^

Pang Movies

Panlaban ni Catriona na PH costume, tinatago muna

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Panlaban ni Catriona na PH costume, tinatago muna
Catriona Gray

Hopeful ang mga Pinoy all over the world na mu­ling masusungkit ng Pilipinas ang 2018 Miss Universe crown sa pamamagitan ng kinatawan ng Pilipinas, ang Bb. Pilipinas-Universe na si Catriona Gray na siya ring kumatawan sa ating bansa sa 2016 Miss World beauty competition.

Ang 24-year-old Fil-Australian beauty queen ay kauna-unahang Filipina beauty who represented the country sa dalawang major international beauty competitions, ang Miss World at ang Miss Universe na nakatakdang ganapin sa Bangkok, Thailand sa darating na December 17, 2018.

Ang fashion designer na si Mak Tumang ang gumawa ng evening gown ni Catriona nang ito’y sumali sa Bb. Pilipinas ang siya ring gumawa ng evening gown na isusuot ni Fil-Australian beauty sa evening gown competition ng Miss Universe.

Ang gumawa naman ng kanyang national costume nung siya’y sumali sa Bb. Pilipinas pageant na si Jearson Dimavibas ay nakipagtulungan kay Jojo Bragais para sa isusuot ni Catriona sa National Costume competition on December 10 wich will represent Luzon, Visayas and Mindanao (LuzViMinda). Ayaw pa itong i-share ni Catriona kahit sa kanyang mga kababayan until the national competition night dahil gusto niya itong maging sorpresa sa lahat.

Sa 66 years na taon ng Miss Universe pageant, tatlong beses pa lamang nakapag-uwi ng korona ang Pilipinas na sinimulan ni Gloria Diaz in 1969 na sinundan ni Margie Moran in 1974.  Forty one years naman ang binilang bago ito nasundan ni Pia Wurtzbach nung 2015.

Angel naaatat na sa General’s

Matagal-tagal na rin ang huling primetime TV series na ginawa ni Angel Locsin, ang The Legal Wife na pinagsamahan nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador pero nung isang taon ay nagkaroon ng special guest appearance si Angel sa La Luna Sangre na tinampukan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Richard Gutierrez. Kaya ganoon na lamang ang excitement na nararamdaman ni Angel sa kanyang upcoming action-adventure-drama series na The General’s Daughter na mapapanood early next year.

Although may mga action scene pa rin si Angel sa kanyang ginagawang bagong TV series, mas maingat siya ngayon dahil sa kanyang spine problem na naging dahilan ng kanyang pag-back-out sa Darna movie project kaya ito napunta kay Liza Soberano.

Para maging makatotohanan ang portrayal ni Angel sa kanyang bagong serye ay nakipagtulungan siya at ng production team sa Armed Forces of the Philipines (AFP).

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with