^

Pang Movies

Eat Bulaga, tuloy na tuloy ang paglipat sa sariling bahay!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kumpirmado na ang pag­lipat ng Eat Bulaga sa sarili nitong studio sa Cainta, Rizal, along Marcos Highway. Magaganap ito ngayong Sabado, kasabay ng Feast of Immaculate Conception.

Sa TV plug ng paglipat, isang bata ang napanood na kausap ang kanyang ina na nagyayaya ng lugar na pupuntahan. Bumulaga sa plug ang date na December 8 pero wala pang rebelasyon.

Sa pagtatanung-tanong namin, magaganap ang lipatan sa nasabing petsa. Wala pang detalye tungkol sa kaganapan sa episode.

Mula sa Celebrity Sports Plaza to Channel 2 studios to Broadway Studios, sariling bahay na ang tirahan ng longest running noontime show.

Mike hanggang isang oras lang muna, bawal pang makipagkulitan

Umalingawngaw na ang boses ni Mike Enriquez sa DZBB’s Super Balita sa Umaga simula nu’ng Lunes. Pero hindi siya pinagbigyan ng management na abutin ng dalawang oras sa umaga kaya isang oras lang ang ginugol nito sa programa.

“It’s nice to be back! Sa awa ng Diyos, tuluy- tuloy na ito,” sambit ni Mike.

Ang trademark na boses ni Sir Mike ay napakikinggan na rin sa GMA news program na 24 Oras.

Hindi muna nakipagkulitan si Mike sa co-hosts niya na sina Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel at Ali Sotto.

Heart mabenta sa mga fashion show!

Mabenta talaga ang pagiging fashio­nista ni Heart Evangelista lalo na ngayong may fashion collaboration siya sa Kamiseta apparel. Si Heart ang kinuhang cover ng isang sikat na fashion magazine para sa December issue nila.

Bagay na bagay kay Mrs. Chiz Escudero ang mga suot niyang damit kung saan mga painting niya ang naka-design.

Swak na swak ding isuot ito ngayong holidays dahil talagang napaka-sosyal, huh!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with