^

Pang Movies

Manang Inday sinundan ang tradisyon ni FPJ sa Pasko!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Manang Inday sinundan ang tradisyon ni FPJ sa Pasko!

Ang sweet talaga ni Manang Inday Susan Roces Mama Salve.

Wala pang December pinadala na niya iyon red envelope para sa mga kaibigan niya sa showbiz. Inuna niya agad ibigay para pakinabangan na. Hahaha.

At tulad ng isang efficient member at officer ng PAMI, agad ay may suggestion si Dolor  Guevarra sa laman ng red envelope. Dahil kay Manang Inday hayun, bayad na ako sa membership ng PAMI hah hah.

Isang bagay na hahangaan mo sa POE family, mula kay kuya Ronnie Poe iyon hindi nila pagkalimot sa mga kaibigan sa araw ng kapaskuhan.

Legendary iyon isang sakong bigas, 10K at isang  ham na pinamimigay ni Kuya Ronnie tuwing Pasko pero hindi iyon ang amazing, hinahatid iyon sa mismong bahay mo.

Kaya naman mas mata-touch ka dahil hinahatid talaga. Sila Manang Inday at Sen. Grace Poe sinundan din ugali ni Kuya Ronnie, hindi nakakalimot pag Pasko at ang delivery personal din thru Dolor. Bongga Poe. Salamat Poe.

Gender ng anak nina Marian at Dingdong mabilis nadiskubre!

Wala talagang sikreto na puwedeng ilihim sa showbiz at good example ang gender reveal ng sanggol na ipinagbubuntis ni Marian Rivera.

Bago pa kinumpirma ni Marian na baby boy ang isisilang niya, alam na agad ng mga reporter ang gender ng bata dahil ito ang itinanong nila kay Dingdong Dantes sa presscon noon ng Cain at Abel.

Nag-smile lang si Dingdong as in hindi niya kinumpirma o inamin ang mga hinala ng mga kausap niya sa presscon.

Alam na ng lahat na lalake nga ang kasarian ng ipinagbubuntis ni Marian dahil sa video na inilabas nila ni Dingdong Dantes sa Team Dantes Youtube Channel na hindi na ikinagulat ng mga reporter dahil tama nga ang mga tip na nakarating sa kanila.

Aktor na pinupuri sa isang TV show nag-uumalpas na ang kabaklaan!

Pabulong na pinag-uusapan ang pagiging bading ng aktor na pinupuri ang pagganap sa television show na tinatampukan niya.

Habang tumatagal, napapansin ng co-stars ng aktor at ng production staff na palambot nang palambot ang kanyang mga kilos at pananalita, mga palatandaan na kahit anong pagpipigil ang gawin, mag-uumalpas ang tunay na katauhan niya.

Kapag tinatanong tungkol sa kanyang lovelife, consistent ang aktor sa pagsasabi na may non-showbiz girlfriend siya pero never na ipinakilala niya sa fans.

Ang sabi ng isang dating malapit sa aktor, imaginary ang girlfriend niya dahil sa tunay na buhay, kapwa mhin ang kanyang karelasyon at mas mukhang artista.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with