^

Pang Movies

Ogie nag-shoot ng bagong show sa Korea?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ogie nag-shoot ng bagong show sa Korea?!

Ang first taping day kahapon ng Home Sweetie Home sa Incheon, Korea.

Sobrang happy ang cast na dumayo pa sila sa lugar na ‘yon para sa special episode nila. Pinakamasaya sa kanila si Ogie Alcasid na fan ng Korean series na Goblin.

May ibang lugar na pinagteypingan ng Goblin na pinagteypingan din nila, kaya happy ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

Sa palitan namin ng text ni Ogie kahapon, ikinuwento niya na hanggang bukas sila sa Incheon.

Wala ring pahinga si Ogie dahil sa napakarami niyang trabaho.

Hindi nga pala malinaw ni Ogie kung iba pa ang Home Sweetie Home sa bagong sitcom na gagawin nila sa ABS-CBN ng kanyang misis.

Ang iba kasi, iniisip na ang bagong sitcom nila ay ipapalit sa Home Sweetie Home.

Pero may mga nagsasabi namang hindi mawawala ang Home Sweetie Home.

Well, sana ma-clear ‘yon ng mga taga-Kapamilya network!

Aktor nanghinayang sa komisyon ng manager?

Tsinugi na ng isang aktor ang manager niya na nag-handle ng kanyang career ng napakatagal na panahon.

Hindi malinaw kung bakit naghiwalay ang landas nila.

Basta sa ngayon, walang bagong manager si aktor.

Si aktor daw mismo ang nakikipag-usap sa mga gustong kumuha sa kanyang serbisyo.

Ang kinabibilangang TV network ni aktor ay wala naman daw problema sa ganoon dahil mas gusto nga nila na deretso silang nakikipag-usap dito.

At least, solo na ni aktor ang kinikita niya ngayon at wala na siyang manager na bibigyan ng komisyon, huh!

Ang panghihinayang kaya sa komisyon na napupunta sa kanyang manager ang dahilan ng paghihiwalay nila ng landas?

Well…

Carla solid manampal!

Ang pinag-uusapang sampalin scene nina Carla Abellana at Sophie Albert sa Pamilya Roces primetime series ng GMA-7.

Malakas sumampal si Carla.

Sa eksena kasi nila, nahuli ni Carla na nakikipagkuyangyangan sa loob ng kotse si Sophie sa mister niya, kaya sinampal niya ito.

Sa lakas manampal ni Carla, matatakot in real life ang mga babaeng magtatangkang lumandi sa boyfriend niyang si Tom Rodriguez! Hahaha!

Shalani spotted sa concert ni Regine!

Kahapon ay ka-chat ko si Shalani Soledad-Romulo.

Tama pala na siya ‘yung nakita ko sa Regine at the Movies concert noong Saturday.

Nagsisimula na ang concert nang dumating si Shalani, kaya madilim na at alanganin akong batiin siya at baka hindi nga siya ‘yon.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with