^

Pang Movies

Aktres na isa ring bisexual, ‘di pa makapag-out dahil sa magandang takbo ng career!

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kamakailan lang ay nag-out na si Issa Pressman na bisexual siya at karelasyon niya si Marga on the Mic. Hinihintay na rin kung kailan mag-a-out ang isang aktres na nababalita ring bisexual. Pero dahil maganda ang takbo ng showbiz career ng aktres, baka hindi pa ngayon at baka hindi na siya mag-out habang nasa showbiz pa siya.

Lalong malabong mag-out ang aktres dahil may maganda siyang show na nagre-rate at marami silang fans ng kanyang ka-love team. Kung priority nito ang kanyang career, hindi nito ipagpapalit ang personal life niya.

Mabuti na lang at wala na raw karelasyon ang aktres, break na ito ng kanyang special someone dahil hindi pabor ang parents ng aktres sa nakarelasyon nito.

May naging boyfriend ang aktres, nasa showbiz din, pero hindi nagtagal at mutual daw ang desisyon nilang dalawa na maghiwalay.

Jasmine iiwan ang BF sa Pasko

Ang training sa TV5 ang sinabing rason ni Jasmine Curtis Smith kung bakit very professional at mahusay siyang aktres. “Take one” actress pa nga ang tawag sa kanya ni Andre Paras, kasama niya sa Pamilya Roces at gumaganap na fake BF ni Jasmine.

Bukod sa training sa TV5, si director Joel Lamangan at ang magagaling na aktres na kasama sa dramedy ng GMA-7 ang binanggit ni Jasmine kung bakit lutang ang husay niya sa nasabing teleserye.

Simple lang ang sagot ni Jasmine sa mga papuri ni Andre, ayaw niyang ma­ging cause of delay sa taping at ayaw mapagalitan ni direk Joel Lamangan, kaya sa take one pa lang, ginagalingan na niya. May photographic memory din daw siya at isang basa lang niya sa script, namememorya na niya.

Samantala, hiwalay sa Christmas sina Jasmine at BF niyang si Jeff Ortega dahil uuwi siya sa Australia to be with her mom and brother. Maiiwan dito ang BF, pero hanggang New Year lang naman siya at sa 2019, magkasama na uli sila.

Pip nagpasalamat sa mga nakiramay

Ang post ni Tirso Cruz III na “Good Heavenly Morning TJ! Missing You So Much. We Love You!” at sa picture ni TJ Cruz na pinost ni Tirso, heto ang caption niya: “Good heavenly morning to the one I miss the most. Wish he could blow me a kiss from above, where he now truly belongs.”

Pinost din ni Pip ang urn na kinalalagyan ng ashes ng anak kasunod ang pasasalamat “To everyone who came to condole with us. The Cruz family thank you from the bottom of our hearts.”  

vuukle comment

ISSA PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with