^

Pang Movies

Mystica namomroblema sa bayaran ng kotse!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tapos na ang isyung naghirap na si M­ystica, ngayon naman ay may panibago siyang isyu tungkol sa kanyang attitude nang mapasama siya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Pagkaraan ng kanyang na­ging interview sa Rated K ni Korina Sanchez kung saan ipinakita ang kalagayan ng kanyang kasalukuyang estado at humingi ng tulong kay Coco Martin upang maisama siya sa sikat na serye nito, agad siyang kinontak ng huli para pagbigyan ang kanyang hiling.

Gumanap siya bilang nanay ng batang si Rhed Bustamante na tulad niya ay tinulungan din ni Coco.

Pero pinatay na ang karakter ni Mystica at umani ito ng usap-usapan. May tsismis na kaya raw siya natsugi agad sa nasabing serye ay dahil sa nagyabang agad ito. Bumili raw ito agad ng mga sasakyan at pinagpo-post agad sa social media.

Ngayong wala na ulit source of income si Mystica, saan siya kukuha ng panghulog sa sasakyang kinuha? Hindi naman kakasya ang kinikita niya sa pag-iihaw ng manok doon. Well, kung totoo nga ito, goodluck na lang sa kanya.

Habit na...

May posibilidad na makaangat ang serye nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo na Cain At Abel sa Ang Probinsyano ni Coco. Magaling din ang dalawa dahil mga hari sila ng primetime sa GMA-7, pero naging habit na kasi ng mga manonood na pagpatak ng alas-otso ng gabi ay nakatutok na ang lahat sa Ang Probinsyano. mahirap talunin ang nakasanayan na, pwera nalang kung gusto na ng ibang manonood ng bago, talagang lilipat sila sa siyete.

Ang isa sa mga direktor ng Ang Probinsyano na si Toto Natividad ay nasa Cain At Abel na rin kaya mas dapat abangan kung sino ang mas aangat sila.

Jack Em Popoy… nila Coco mas nakakaaliw kesa sa Fantastika ni Vice?!

Naglabas na official trailer ang pelikula nina Maine Mendoza, Vic Sotto at Coco Martin na Jack Em Popoy: The Puliscredibles na magsisilbing entry sa Metro Manila Film Festival 2018. Siyempre hindi rin papahuli ang pelikula ni Vice Ganda na Fantastica na naglabas na rin ng sariling teaser.

Ayon sa mga nakapanood, parang mas naaliw daw sila sa pelikula nila Maine. natural na natural lang ang pag-arte niya doon kung saan siya pala ang gaganap na leading lady ni Coco.

Sa Fantastika naman ay parang sa pelikulang The Greatest Showman daw ang tema na tungkol  sa perya na may mga kakaibang tao ang nagpe-perform.

Ipapalabas ang dalawang nasabing pelikula sa mismong araw ng Pasko, December 25.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to November born celebrants:

Robin Padilla, Maxine Magalona, Aimee Torres, Precy Ejercito, Becky Aguila, Rico Miranda, Art Tapalla at Mon Tulfo.

vuukle comment

M­YSTICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with