^

Pang Movies

Paolo, Jerald at Pepe umaray, Indie film ayaw nang tanggapin ng mga sinehan?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Paolo, Jerald at Pepe umaray, Indie film ayaw nang tanggapin ng mga sinehan?!

Sabay-sabay na naglabas ng kanilang hugot at hinaing sina Paolo Contis, Jerald Napoles at Pepe Herrera sa kanilang social media account dahil ang movie nilang Ang Pangarap Kong Hold Up ay walang makuhang sinehan sa playdate nito.

Rason sa kanila, may bad connotation daw ang title ng pelikula nila. Kinontra nila ito dahil ang intensyon ng movie nila eh aliwin at patawanin ang manonood.

Naku, bumula man ang kanilang bibig at lumuha man sila ng bato, wala silang magagawa kung ayaw silang bigyan ng sinehan ng theatre owners, huh! Kaya nga may business sa salitang show business dahil ne­gosyo ang lahat ng ito, huh!

May choice ang mga sinehan kung anong pelikula ang gusto nilang ilabas sa kanilang mga sinehan. Natural, gusto nila ‘yung kumikita ang palabas sa sinehan nila dahil kada araw eh may bayarin din sila – tao, kuryente at iba pa.

Sa bayad ng mga taong pumapasok sa sinehan sila kumukuha ng bayad sa daily expenses so kung walang papasok, abono sila.

Hindi lang naman ang producers ng movie nilang tatlo ang nakakaranas ng hindi mabigyan ng mga sinehan. Pati malalaking producers pero ang kaibahan sa mga big time producers, meron silang ibang movies na malalaki ang mga artista kaya me­ron silang bargaining power, huh!

Kaya nga ngayong Metro Manila Film Festival, ibinalik ang big stars na may entry. Sigurado na ang malaki ang kita ng producers at mga sinehan. Nabibiyayaan pa ang beneficiaries ng MMFF.

Of course, hindi masamang mangarap ang indie producers na baka magaya ang kapalaran ng project nila sa phenomenal hit na Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi. Pero isolated case ‘yon.

Eh, ano ba ang nangyari sa next movies ni Empoy o ni Alessandra? ‘Yung huli nga nila ni Paolo na Through Night and Day, maganda ang feedbacks pero hindi naging sapat ‘yon upang pasukin ng tao at magtagal sa mga sinehan, huh!

Kesa umalma nang umalma laban sa may-ari ng mga sinehan, compromise sa gusto ng theatre owners dahil sila pa rin ang masusunod sa aspetong ito! (Super agree tito. ‘Wag gumawa ng pelikulang sila lang ang matatawa.- Salve A.)

vuukle comment

PEPE HERRERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with