^

Pang Movies

Sharon nagpaliwanag sa isyung paninira sa lugar ni Richard

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon nagpaliwanag sa isyung paninira sa lugar ni Richard
Richard Gomez

Aminado si Sharon Cuneta na at first ay takot na takot daw siyang gumawa ulit ng movie with Richard Gomez dahil sa tagal nga ng hindi nila pagsasama since 15 years ago pa ang last movie nila together.

“Parang feeling ko, I didn’t know him. Sabi ko ‘ba’t nagbibisaya ito?’ Eh Kapampangan ako,” sey ni Megastar.

“Kidding aside, I was very nervous. I told Inang (Olive Lamasan), I was crying to ­Inang Olive, ‘Inang, I don’t know if I can do this because I don’t know him. He’s not my Richard anymore.’ ‘Yung Richard na kilala ko ang ibig kong sabihin kasi ang tagal na nga ng dumaan,” patuloy ni Shawie.

Naging parte raw kasi si Inang ng relasyon nila simula pa ng nagliligawan sila ni Goma. Pinayuhan naman daw siya ng direktor and encouraged her na ituloy ang pelikula.

“Pagdating do’n (sa Ormoc kung saan kinunan ang movie), ‘yung nakikiramdam ako, tapos I was so sad, kasi Ormoc, I was away from my family. I posted and I was sad, it was my first day. I didn’t know the city.

“And truth be told, I wasn’t used to Richard ­being this Mayor of this town! I was proud pero this is not the Richard I know. Nung pinost ko, I think I’m daming naka-misinterpert, kahit siya (Goma).

“Naturally, ba’t ko naman sisiraan ‘yung isang lugar na hindi ko naman kilala. Naiwan ko ‘yung family ko, I didn’t know what to expect from him,” saad ni Sharon.

Sabi naman ni Goma, “siguro, nalungkot ka lang kasi you were not with your kids” na inayunan naman ni Sharon.

“Pero in the end, you know, it turned out to be a beautiful movie talaga. Bonus lang talaga si Kath (Kathryn Bernardo), si Joross (Gamboa),” she said.

Kung bakit sa Ormoc kinunan ang movie, ito ay dahil daw sa hindi pwede si Richard na umalis sa kanyang lugar dahil nga sa kanyang trabaho bilang alkalde.

“Kasi kung dito kami (sa Manila) exclusively, weekends lang siya pwede. So, in Ormoc, at least, napupuntahan niya ang office niya, tapos napupuntahan niya office niya kahit after shooting, magtatrabaho siya,” sey ni Shawie.

Empress umaming muntik nang mag-quit sa showbiz

Inamin ni Empress Schuck na muntik na siyang mag-quit sa showbiz bago pa man siya mabuntis sa first baby niyang si Athalia na ngayon ay 3 years old na.

“Hindi na po ako happy,” sabi ni Empress sa presscon kahapon ng Kahit Ayaw Mo Na na pelikula nila nina Andrea Brillantes at Kristel Fulgar, “kasi syempre, 7 years old pa lang ako, nagtatrabaho na ako as artista.

“Parang nawala ‘yung happiness ko. Parang ‘yung time na ‘yun, hinahanap ko na ang happiness ko. Kasi parang all this time, susunod lang ako sa parents ko, kung ano lang sabihin ng kahit sinong around me na mas nakakatanda sa akin, siyempre po, ang turo sa akin sumunod eh, so susunod lang po ako.”

Pero that time, parang hindi na raw siya masaya kaya after giving birth, nagsabi na nga raw siya sa manager niyang si Becky Aguila na ayaw na niyang mag-artista.

Pero dumating daw ang offer na Goyo: Ang Batang Heneral at pinayuhan siya ng manager niya na i-try muna niyang gawin ang nasabing pelikula.

Ginawa nga niya ang movie at naging thankful siya na sinunod niya ito dahil after doing the movie, nagkaroon siya ng peace of mind at na-realize na passion niya talaga ang pag-arte.

After Goyo ay nagkaroon pa raw ulit ng mga offers tulad ng Asintado at ito ngang Kahit Ayaw Mo Na kaya nawala na rin sa isip niya ang pag-quit sa showbiz.

Showing na sa Dec. 5 ang Kahit Ayaw Mo Na mula sa direksyon ni Bona Fajardo under Viva Films, Blue Art Production, Spark Samar and Saga Prefecture Film Commission.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with