^

Pang Movies

Sharon ipinaramdam na naman ang pagiging bilyonaryo

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Sharon ipinaramdam na naman ang pagiging bilyonaryo
Sharon Cuneta

Ang galante talaga ni Sharon Cuneta, talagang mayaman siya to be able na magbigay ng mamahaling alahas bilang regalo kay Regine Velasquez. Una, isang diamond studded bracelet ang tinanggal niya sa kanyang kamay para ibigay kay Vice Ganda nang mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice. Ang ikalawa ay isang singsing na ibinigay niya kay Regine Velasquez-Alcasid, matapos silang mag-duet sa ikalawang concert ng Songbird na Regine at the Movies.

I’m sure milyonarya na rin ang misis ni Ogie Alcasid pero, nagulat ito sigurado sa ginawa ng Megastar pero, what’s one diamond ring na sukli marahil sa pagpapahalaga na ibinigay ni Regine kay Sharon?

Mga guro, kawawa rin…

Pinayagan nang maituro sa mga mag-aaral sa high school ang Korean language pero, ang Panitikan at Filipino ay elective subject lamang? Ano ba tayo, sa halip na sumulong ay nagiging paurong ang galaw natin. Hindi lamang tayong mga mamamayan ang mawawalan ng malaki, may 10,000 mga guro rin ang mawawalan ng hanapbuhay sa desisyon na ito ng DepEd.

Ang nakakagulat, sa halip na lungkot ang madama ng mga taong nasa likod ng ahensyang ito ng gobyerno ay parang natutuwa pa sila at nabunutan ng tinik na hindi na ituturo ang Panitikan at Filipino sa kolehiyo. Bukod sa Korean language, kasama rin sa pinagpipiliang pag-aralan na foreign language ng mga Pinoy ang German, Spanish, French, Mandarin at Nihongo. Sa ngayon pinaka-popular ang Korean sa pinipikling matututunan ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Tsk. Tsk. Tsk.

catriona umaapaw ang confidence

Sana nga ay masungkit din ni Catriona Gray ang titulong napanalunan ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe pageant na magaganap sa December 17 sa Bangkok, Thailand.

Sa rami ng nagki-claim ng kanyang panalo sa nasabing paligsahan ng kagandahan ay para talagang sure winner na siya. Pero, ang ating Bb. Pilipinas Universe na rin ang nagsabi na, more than her beauty and intelligence ay kailangan niya ng swerte para manalo.

Let us just wish na may dala siya nito sa kanyang pag-alis patungo sa bansa na tatlong ulit na palang pumapayag mag-host ng Miss Universe contest. Nag-guest siya nung Sabado sa The Bottomline ni Boy Abunda.

Sumalang siya sa isang Q&A portion at nasagot niya ang lahat ng tanong sa kanya ng buong ganda at katalinuhan pero, iba pa rin kapag nasa harap siya ng libu-libong live audience. Hilingin na lamang natin na ma-translate ang confidence niya’t intelligence into favorable votes mula sa mga tatayong judges sa nasabing paligsahan.

Gabbi nakayang wala si Ruru

Good riddance na si Gabbi Garcia kay Ruru Madrid. Mabilis siyang naka-move on sa pagkawala ng tandem nila dahil kay Khalil Ramos.

Nakaka-survive naman siya nang walang kapareha, mas lasting pa ito ay hindi nakadepende sa isang ka-loveteam, tulad ng ginagawa niya sa Pamilya Roces. Bukod sa kanyang mga project sa Kapuso Network. Bongga ang endorsement niya ng isang brand ng shampoo. Lahat ng ito ay dulot ng kanyang masayang puso.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with