^

Pang Movies

Bagong ‘escort’ suportado ni Vice!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Bagong �escort� suportado ni Vice!
Ion

Si Ion Perez ang pangalawang ‘kuya escort’ ng It’s Showtime sa segment nitong Miss Q&A na tulad nang nauna sa kanyang si Greg Hawkins ay mabilis na kinagiliwan ng mga mano­nood at maging ni Vice Ganda.

Mas malaki ang chance na magtagal si Ion sa nasabing show kumpara kay Greg dahil nagkaroon ito ng problema sa working permit.

Kilala na si Ion sa mga male beauty pageant at nanalo rin itong Mr. Universe Tourism International.

Nalagay sa kanyang balikat ang responsibilidad na tumulong sa kanyang pamilya nang mamatay ang kanyang ama at panganay na kapatid. Ngayon ay kumikita na siya at nakakatulong na sa kanyang pamilya, salamat sa It’s Showtime at sa malaking tulong ni Vice Ganda na isang kaibigan at supporter.

Rayver best man sa kasal ni Lotlot!

Accepted na talaga si Rayver Cruz ng pamilya ng girlfriend niyang si Janine Gutierrez. Hindi lamang siya imbitado sa kasal ng ina nitong si Lotlot de Leon sa Lebanese fiancé nitong si Fadi El Soury sa December 17 sa isang beach sa Batangas, kung hindi kasama rin siya sa wedding entourage na binubuo ng immediate family at isa siya sa tatayong best man.

Hindi si Christopher de Leon ang maghahatid sa bride sa altar, hindi rin ang biological father nito sa U.S. dahil kagagaling lang nito sa isang mase­lang operasyon. Pero darating ang tatlong anak nitong babae na magsisilbing bridesmaids at ang panganay ni Lotlot na si Diego Gutierrez ang maghahatid sa kanya sa altar.

Imbitado si Nora Aunor at wish ng ikakasal na dumating ito. Maids of ho­nor ang tatlong anak na babae nito na sina Janine, Jessica at Maxine at groomsmen naman ang mga kapatid niyang lalaki na sina Ian, Kiko at Kenneth. 

Tommy mas bagay na may saplot

Suwerte ni Tommy Esguerra who has been missing from the showbiz scene since his separation from Miho Nishida. Mukhang bagay silang tandem ni Kathryn Bernardo sa kanilang movie na isang obra ni Cathy Garcia-Molina na inaasahang magiging isang blockbuster dahil reunion movie ito ng Megastar Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Sa trailer pa lamang ay pansin na ang ex PBB (Pinoy Big Brother) housemate at mas gusto siya ng publiko with his clothes on. Hindi nila masyadong tanggap yung sexy image na gustong ipayakap sa kanya. Obvious lang na ang movie ay naka-focus kay Sharon. Sa kanya nagmumula ang conflict at twist ng istorya.

Rita hindi na lang basta kontrabida

Hindi lamang sa My Special Tatay muling kukuha ng atensyon ang multi talent artist na si Rita Daniela. Magpapapansin din ito sa concert na gagawin ni Jose Mari Chan sa December 22 sa Solaire.

Kung sa pagiging kontrabida kay Ken Chan sa serye ng GMA-7 ay umaani siya ng galit sa mga manonood, sa concert ng nagpasikat ng Christmas In Our Hearts ay mahahati ang manonood kung saan siya mas magaling, sa pagkanta ba o pag-arte? Sa mediacon ng concert ay nagpakitang gilas agad siya sa pagpapasampol ng kanyang pagkanta without stealing the thunder from the main star.

vuukle comment

ION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with