^

Pang Movies

Kathryn nahiya nang tawaging superstar, next box-office queen ni Sharon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kathryn nahiya nang tawaging superstar, next box-office queen ni Sharon
Kathryn

Ano kaya ang masasabi ng ibang mga artistang kumita ng malaki ang mga pelikula this year dahil para kay Sharon Cuneta, si Kathryn Bernardo na kasama niya at gumaganap na kanyang anak sa Star Cinema movie na Three Words to Forever ang “new Box-Office Queen” at “superstar” dahil sa kinita ng The Hows of Us nila ni Daniel Padilla.

 

Sinabi ito ni Sharon sa post niya sa Instagram (IG) kasama si Kathryn: “I am so happy to have been given this chance to work with Kathryn @bernardokath. It is so refreshing and heartwarming to spend so many days with a new Box-Office Queen, a Superstar, a good actress, someone who is beautiful, simple, sincerely sweet and kind, respectful to her mother and to everyone she works with,” part ng post ni Sharon.

‘Katuwa si Kathryn dahil parang nahiya pa siya sa mga papuri ni Sharon sa kanya na narinig ng mga reporter sa presscon ng Star Cinema movie na showing sa November 28. Inamin din nito na big adjustment sa kanya na hindi si Daniel Padilla ang kasama niya sa movie dahil nasanay siya na for seven years, ang boyfriend ang kasama sa mga ginawang pelikula.

“Nang narinig ko sa storycon ang story ng Thee Words to Forever, ang ganda-ganda ng story, gusto ko siyang gawin. Ako ang boses ng mga anak. Sa first shooting day, nangapa ako, lalo’t out of town ang shooting. Malaking bagay ang tulong ni direk Cathy, inalagaan ako at ang mga kasama ko. Kaya nang makita ko si DJ (Daniel), na-recharge ako,” sabi ni Kathryn.

Tirso kinakaya ang nangyari sa anak

Kahit may pakiusap sina Tirso Cruz III at Lynn Cruz na ‘wag nang magbigay ng bulaklak sa wake ng anak nilang si TJ Cruz, hindi mapigilan ang mga kaibigan ng mag-asawa na magpadala ng bulaklak.

Naiyak kami sa sagot ni Pip na “kaka­yanin” nang tanungin kung kaya niya. Kita ang lungkot sa mukha at mga mata ng aktor at ganundin si Lyn na hindi magawang kumain. Nasa bulsa lang ng jacket nito ang biscuit na hindi makain-kain.

Kim kakaiba raw ang ginawa kina Dennis at JC

Magkasama sina Dennis Trillo at Kim Chiu sa mall show bukas sa Harbor Point Subic para i-promote ang Regal Entertainment entry sa MMFF na One Great Love. Love story drama ang tema ng pelikula sa direction ni Eric Quizon na pinahanga sa husay ni Kim. Sumabay raw si Kim sa husay ni Dennis at mapapansin ‘yun ng moviegoers na manonood ng pelikula.

Pero sabi ni direk Eric, masuwerte siya dahil maganda ang material ng One Great Love at magagaling ang kanyang cast. Hindi raw sayang ang ibabayad ng moviegoers at ang oras na nasa loob sila ng sinehan.

Ang hindi sinagot ni direk Eric nang makita namin minsan sa Regal office ay kung gaano katindi ang love scene nina Dennis at Kim at love scene nina Kim at JC de Vera.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with