^

Pang Movies

Na-miss ang isa’t isa Sharon at Goma panay ang PDA!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang daming quotable quotes ni Sharon Cuneta sa grand mediacon ng Three Words to Forever na ginanap last Thursday. Ang nasabing pelikula na handog ng Star Cinema ay reunion movie nina Megastar at Richard Gomez after 15 long years.

 

And of course, alam naman ng lahat na dating magkarelasyon sina Megastar at Goma na talaga namang naungkat nang bonggang-bongga sa nasabing presscon.

Isa sa pinakanagmarkang linya ni Shawie that night ay ang “ako ang nagsaing, iba ang kumain” na siguro naman ay alam ng lahat kung ano ang ibig niyang sabihin.

Pero sinabi rin naman agad ni Shawie na joke lang daw ‘yun pero tawanan talaga nang sinabi niya ang linyang ‘yun.

Nakakatuwa rin na alam na alam pa ni Sharon ang eksaktong date kung kailan niya sinagot si Goma. Aniya ay October 11, 1989 nagsimula ang kanilang relasyon na tumagal din ng anim na taon.

“Five or six. On and off. Mostly on. Pero lahat ng… nagtaasan kami ng boses siguro twice lang or thrice. Napakabait ko kasi...” sey ni Sharon saka tumawa.

“No, but really, because he’s a good person to begin with. Mapapatawad mo. Mapapatawad mo kasi sobra naman niya akong mahalin.

“Tapos, lahat ng natiis ko sa kanya, pero hindi ko titiisin kahit kalahati no’n sa sinumang nauna sa kanya o sinumang after niya. Hindi ko natiis ‘yun. Sa kanya lang, ” pahayag ni Sharon na talagang namang ikinakilig ng fans sa studio.

Pero ngayong may sarili na silang buhay, sobrang happy raw siya for Goma for what he has achieved.

“Now, that he’s so happy with Lucy (Torres, his wife), with Julianna (his daughter), my God, I always knew he was going to be successful kasi bata pa lang kami, masinop na ‘yan, eh.

“’Yung investment niya, paintings, bahay, ‘yung iba, inuuna, sports car. Kami nung nagde-date kami nung una, L-300 lang,” pagre-recall pa ni Sharon.

Ayon naman kay Goma, “alam n’yo, yung love namin ni Sharon sa isa’t isa, that will always be forever” at sigawan na naman ang fans sabay-halik ni Goma sa noo ni Sharon.

Nagkaiyakan din sa presscon. Umiyak si Tommy Esguerra nang ikinukwento kung gaano siya kasaya na mapasama sa pelikula at itinuring daw siya ni Sharon na parang anak. Niyakap naman siya ni Megastar at nag-iyakan sila.

Umiyak din si Sharon nang magsalita si Liza Lorena at sinabing mananatili raw special sa kanya si Mega dahil ito ang kanyang original anak sa Dear Heart.

Umiyak din si Liza nang nang i-share niya that she lost her mom some months ago and after a weeks ay ang sister naman niya ang pumanaw. Kaya naman talagang naging therapy sa kanya ang shooting ng pelikula at aliw na aliw siya sa pagpapatawa ni Joross Gamboa.

Naiyak din si Sharon nang maalala ang pumanaw na broadsheet columnist na si Bayani San Diego na kaibigan niya.

Isa pang interesting to note sa presscon ay ang mga sweet moments nina Sharon at Richard. Maraming beses na magka-holding hands sila, at panay din ang haplos ni Mega sa face ni Goma, may times din na nakapatong ang kamay niya sa lap ng aktor and vice versa. May pagkakaton din na niyakap ni Shawie si Goma.

Siguro nga ay talagang na-miss nila ang isa’t isa dahil 15 years nga silang hindi nagkasama.

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina, showing na sa Nov. 28 ang Three Words to Forever na kinuna pa sa Ormoc City kung saan kasalukiyang Mayor si Goma.

Of course, kasama rin sa pelikula si Kathryn Bernardo.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with