^

Pang Movies

Rayver walang alam na may sakit ang pinsan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rayver walang alam na may sakit ang pinsan!
Rayver Cruz

Ikina-shock ni Rayver Cruz ang pagpanaw ng kanyang pinsang si TJ Cruz (panganay na anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti) last Wednesday, Nov. 21 dahil umano sa lymphatic cancer.

Timing na that day ay may taping sila ng Asawa Ko, Karibal Ko at doon namin nakausap ang aktor.

Ayon kay Rayver, wala raw siyang kaalam-alam na may sakit ang kanyang pinsan kaya nagulat siya upon learning na wala na ito.

“Siyempre, nalungkot po ako, nagulat po ako, kasi wala talaga akong kaaydi-idea,” ani Rayver.

Medyo matagal na rin daw niyang hindi nakikita ang pinsan at hindi naman daw niya nahalatang may sakit ito kaya talaga raw gulat na gulat siya.

Bukod dito, nakikita raw niya lagi ang kapatid ni TJ na si Bodie sa gym at wala naman daw itong sinasabi.

“Pero siyempre, respetuhin natin ang desisyon ng family. Baka si TJ din kasi, ayaw (ipaalam na may sakit ito),” he said.

Kaya raw pala wala na silang masyadong reunion na magpipinsan. Aniya ay si TJ daw ang madalas na nago-organize nito.

“Siya ‘yung laging nagse-set, siya ‘yung leader pagdating sa reunion ng mga magpipinsan. Saka, pag lalabas, pag may gathering, siya talaga ‘yung unang nagsasabi, gumagawa ng group para matuloy.

“And sobrang bait niya, sobrang bait ng lahat ng anak ni Tito Pip, wala akong masabi,” he said.

Samantala, on a lighter note, masa­yang-masaya si Rayver sa success ng first teleserye niya sa GMA-7 na napapanood sa GMA’s Afternoon Prime and Sabado Star Power sa Hapon. Mataas ang ratings nito at puro positive reviews ang nakukuha ng serye.

“Siyempre, sobrang nakakatuwa. Masaya ako kasi nga, ayaw ko rin naman na parang ‘yung first show ko, wala masyado manood. Nandoon kasi ‘yung fear na – hindi mawawala ‘yun – na baka hindi mag-rate, as an artist, alam mo ‘yun?

“Pero alam mo ‘yun, I just trust the process, trust the story and tiwala sa team and of course, napakahusay kasi ng direktor namin,  awar-winning direktor, si direk Mark (Sicat dela Cruz), ang galing lang din ng mga writers, tulong-tulong din.

“Of course, ‘yung 2 leading leadies dito (Kris Bernal and Thea Tolentino), sobrang galing nila. And parang wala naman yatang history sina Kris and Thea na hindi pumi-pick-up ‘yung show nila. So, thank you, guys.

“Nakakatuwa, nakakataba ng puso dahil ‘yung mga tweets ng mga tao, ‘yung  mga comments. Nakakagana magtrabaho, nakaka-inspire lalo umarte and gumawa ng magagandang eksena para sa mga viewers,” ani Rayver.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with