^

Pang Movies

Isabel apektado sa pag-alis ni Diego!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Isabel apektado sa pag-alis ni Diego!
Diego Loyzaga

Mami-miss si Diego Loyzaga sa Los Bastardos ng ABS-CBN kung totoo man na nag-abroad ito matapos ang kanyang diumano’y nabigong pagtatangka pagkitil sa kanyang sarili. Pero hindi naman ito dahilan para maapektuhan ng lubos ang serye na nagtatampok sa kanya at sa apat pang hunk actor.

Mababawasan lamang marahil ang effectivity ng pagiging kontrabida ng character ni Isabel Rivas na gumaganap na ina ni Diego sa serye.

Puwede pa rin namang bumalik ng serye si Diego pero baka matagalan pa dahil kailangan pa nitong dumaan sa maraming proseso para sa tuluyan niyang paggaling.

Eric susubukang mag-Rico J. sa concert!

May “K” naman ba si Eric Nicolas para isuot ang sapatos ni Rico J. Puno sa konsyertong Music & Laughter na magaganap ngayong gabi sa The Theater ng Solaire?

Nakakasa na ang concert bago pa namatay si Rico J. kaya kahit wala na siya ay matutuloy pa rin ang palabas na nagtatampok din kina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez kasama sina Marco Sison, Nonoy Zuniga, Nanette Invetor at si Eric nga.

May partisipasyon sa concert ang dalawang anak ni Rico J. na sina Tosca at Rox Puno na magagaling ding singer. Wala namang kaba at pag-aalala si Eric na palitan ang namayapang singer sa show. Kumakanta siya at bentahe niya ang pagiging isang mahusay na komedyante. Baka may mahiram din siyang green jokes ni Rico J. para sa show.

Jenny Guinto nakaranas ng hirap sa Mrs. Asia International

Hindi nagkaroon ng time si Angela Janine Torres na magalit sa sinapit ng kanyang inang si Jenny Guinto sa ginawang pagsali nito sa Mrs. Asia International sa Thailand.

Nakaranas sila at ang iba pang kalahok ng hindi makatarungang pakontes na may kakaibang proseso na kailangang pagdaanan para sila manalo. Buti na lamang at kinilala pa ang kakayahan ni Jenny sa talent portion at napasama siya sa top 3. Umuwi silang mag-ina na masaya pa rin. Naging abala agad si Angela Janine sa promo ng movie na kasali siya, ang Munting Tahanan ng Red Crane Production sa direksyon ni Jun Posadas at nagtatampok kay Ronwaldo Martin.

Anak ni Dulce, nominated sa Aliw Awards

Siguradong masaya si Dulce sa tinanggap na nominasyon ng kanyag anak na si David Ezra, isang theater actor, sa Aliw Awards para sa kategoryang Best Actor in a Musical para sa Binondo, Tsinoy Musical.

Makakalaban nito sa nasabing category sina Cocoy Laurel (Guadalupe), Vance Larena (Kanser), Gian Magdangal (Ang Huling El Bimbo), Arman Ferrer (Binondo) at Roeder Camanag (Geegee at Waterina).

Pagiging overprotective ni Ronnie sagabal sa career ni Loisa?!

Hindi makakatulong kay Loisa Andalio ang pagiging sobrang seloso at overprotective ni Ronnie Alonte. Magiging dahilan pa ito para mabawasan ang tinatanggap na projects ng kabataang dalaga.

Kung ‘yung pagsusuot ng mga sexy dresses at maging ng swimwear ay bawal kay Ronnie, paano pa yung mga kissing scenes at love scenes na hindi sila ang magkapareha kundi iba na, aayawan ba niya si Loisa?

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with