^

Pang Movies

Rayver at Rodjun tampok sa two-part special ng Magpakailanman

Pang-masa
Rayver at Rodjun tampok sa two-part special ng Magpakailanman
Rayver Cruz , Rodjun Cruz

MANILA, Philippines — Sa nakaraang dalawang buwan, tatlong magkakahiwalay nang kaso ng hijacking at kidnapping ang napabalita kung saan kabilang ang halos dalawampung marinong Pinoy sa binihag ng mga pirata.

Kailan nga ba matatapos ang problemang ito na madalas kaharapin at magdala ng takot hindi lamang sa mga kababayan nating marino, kundi pati na rin sa mga naiwan nilang pamilya dito sa Pilipinas? Paano nga ba nila hinaharap ang hirap at pasakit na dala ng masalimuot na sitwasyong ito?

Bilang huling handog para sa ika-anim na anibersaryo ng Magpakailanman, tunghayan ang two-part special na kuwento ng limang mangingisdang Pinoy na dumaan sa matinding hirap, gutom at pasakit sa kamay ng mga piratang Somali sa loob ng halos limang taon.

Sa pangunguna nina Rayver Cruz at Rodjun Cruz, tunghayan ang kabuuan ng kuwento ng katatagan at pag-asa ng mga marinong Pinoy na sina Arnel at Elmer sa pagharap sa hirap na dinanas nila sa kamay ng mga pirata. Paano nga ba nila nilampasan ang masalimuot na kalagayan? At paano sila binago ng kanilang mga pinagdaanan?

Makakasama rin sa episode sina Jade Lopez, Orlando Sol, Jazz Ocampo, Angelica Ulip, Eva Darren, Aaron Yanga, Prince Clemente, Ranty Portento at Yutaka Yamakawa

Ang IMPIYERNO SA DAGAT: A True Story of Filipino Bravery and Perseverance ay sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez at mula sa panulat at pananaliksik ni Loi Nova. Mapapanood ang two-part special episode nito sa November 17 at November 24, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman. Sa bago nitong oras, 8:30pm.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

RODJUN CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with