^

Pang Movies

Sanya kInilig sa sinabi ni Renz

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sanya kInilig sa sinabi ni Renz
Sanya Lopez

Kinilig ng slight ang Kapuso actress na si Sanya Lopez nang makarating sa kanya na may crush daw sa kanya si Renz Fernandez.

Ayon kay Renz, nagagandahan at naseseksihan ito kay Sanya at kung liligawan niya ito, gusto niyang mas makilala pa ito muna.

Nagkasama na raw sila sa isang eksena ng Cain At Abel kung saan gumanap na pulis si Renz.

Si Sanya na noon pa ma’y sinasabi na isa siyang certified “NBSB” or “No Boyfriend Since Birth” ay napangiti sa sinabing wala naman daw problema kung susubukan siyang ligawan ni Renz.

“Pero ayoko pong umasa. Siguro mas maganda na maging magkaibigan muna kami ni Renz,” ngiti pa ni Sanya.

Kung may manligaw daw kay Sanya ngayon, hindi na raw makikialam dito ang kanyang kuyang si Jak Roberto. Naikuwento noon ni Sanya na very protective ang kanyang Kuya Jak lalo na raw kapag may mga lalakeng gustong manligaw sa kanya.

“Napaka-strict ni Kuya Jak noon. Ayaw niyang may nanliligaw sa akin noong nasa age ako ng 14 or 15. Talagang ayaw niya.

“Hindi ko naman masisisi si Kuya kasi ever since na nawala ang father namin, siya na ang parang tumayong tatay ng pamilya namin.

“Eh, dalawa lang kaming magkapatid kaya wala akong choice kung hindi sumunod sa kanya, ‘di ba?

“Kasi kung pasaway ako, nakaamba na ‘yung tsinelas sa akin!” malakas na tawa pa ni Sanya.

Pero noong dumating na sa tamang edad si Sanya, naging maluwag na raw si Jak sa kanya.

 Keempee regular na uli ang trabaho!

Isa kami sa natutuwa na maraming trabaho na sa TV ang aktor na si Keempee de Leon. Since lumipat siya sa ABS-CBN, hindi na siya nababakante at makikita ang kasiyahan niya sa mga post niya sa social media.

Kailan lang ay pinost niya ang pagkakasama niya sa Christmas Station ID ng Kapamilya network kasama niya ang buong cast ng teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit. Maaliwalas ang mukha at mas guwapo ngayon si Keempee.

Natatandaan namin sa isang interview kay Keempee ay malungkot ito dahil hindi na ito nakabalik sa Eat Bulaga kung saan gustung-gusto niyang mag-host.

Pero two years na raw ang magdaan at clueless pa rin daw si Keempee kung bakit tinanggal siya sa Eat Bulaga.

Inamin din ni Keempee na dumaan siya sa matinding depression dahil sa pagkawala niya sa EB. May pinag-aaral pa kasi siyang anak at naging bread and butter niya ang EB kapag wala siyang teleserye.

Nick Jonas at Priyanka Chopra lumilitaw na ang wedding details

Paunti-unti nang nilalabas nila Nick Jonas at Priyanka Chopra ang kanilang wedding plans.

Unang nalaman ng netizens ay kungsaan ang wedding registry list nila.

Kabilang sa mga nakalagay sa list ay wine decanter, a throw pillow and dinner plates. Matatagpuan ang wedding registry list nila via Amazon.

Naka-reserve na raw ang isang Indian palace para sa kanilang wedding, Ito ay ang lavish Umaid Bhawan Palace in Jodhpur. Dahil sa mga revelations na ito, senyales na malapit-lapit na ang Jonas-Chopra wedding.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with