^

Pang Movies

Sarah pinayagan na ng tatay na pakasal?!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Sarah pinayagan na ng tatay na pakasal?!

Sa edad ni Sarah Geronimo ay puwede na siyang pumasok sa pag-aasawa dahil matagal na rin naman ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli, pareho na rin silang handa, emotionally and financially para isang mas mahirap at bagong hamon sa buhay. Katunayan, may mga binubuo na raw plano ang dalawa at gumagawa na ng maagang preparasyon pero, hindi matuluy-tuloy dahil wala pang basbas ng ina ng Pop Royalty. Ang ama raw nito ay pumapayag nang mag-asawa ang kanyang anak pero hindi ang kanyang ina.

Sayang dahil magtatapos na ang taon, ang balak nilang pag-iisang dibdib ay sa 2019 na. Mapapayag na rin kaya nila si Mommy Divine? O magpapakasal sila kahit wala itong basbas?

AP dapat nang pagpahingahin?!

Kung si Coco Martin marahil ang tatanungin ay baka gustuhin na rin nito na makuha na ng character niyang si Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano ang hangad nitong pagbabago sa kanyang bansa na sinisira ng mga masasamang elemento at ambi­syosong mamamayan. Natamo na rin naman ng serye ang kasikatan at tagumpay na mithiin nito.

Bibihirang mga programa ang umaabot ng tatlong dekada sa ere at kumukuha ng atensyon ng mga manonood at maging ng gobyerno dahil sa makatotohanang paglalahad nito ng mga kaganapan na nakikita at nararamdaman ng mga manonood sa tunay na buhay.

Pero, gaano man kaganda ang isang panoorin sa TV, walang forever sa mga ito. Lahat ay may hangganan, dumarating sa punto na kaila­ngan nang mamaalam.

Isa sa mga programa na inihahanda ng ABS-CBN para pumalit sa Ang Probinsyano ay ang The General’s Daughter nina Maricel Soriano at Angel Locsin.

Nariyan din ang Starla nina Judy Ann Santos at Raymart Santiago.

Matagal nang nami-miss si Juday sa TV at si Raymart naman ay nakagawa na ng mga magagandang panoorin sa iniwan niyang GMA-7. Sana lamang hindi masyadong mainip ang mga manonood para iwan ang AP dahil patuloy ang pag-igting ng aksyon at kuwento dito ng tila walang kamatayang si Cardo Dalisay.

Teresa buking na ang kasamaan!

Pagkatapos sa kalabang istasyon ay sa Kapuso Network naman pala nagsasabog ng kanyang kasamaan si Teresa Loyzaga. Buking na buking ang kasalbahehan niya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na My Special Tatay.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with