^

Pang Movies

Young actor na bading, ibinabahay na ang boyfriend!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Confirmed! Bading ang isang young actor na aktibo pa rin sa showbiz.

 

Pinagdududahan na ang kasarian ng young actor dahil malamya na ang dating eh wala pang babaeng nali-link sa kanya. Guwa­ping naman at makinis pero front lang pala niya ‘yon. No wonder, hindi siya nagustuhan ng isang young actor na inireto sa kanya minsan.

Pero ang kagulat-gulat sa young actor, hindi siya ‘yung tipong basta lang nagbu-boyfriend. Ayon sa aming source, may ka-live in nang guy ang young actor ngayon.

Maintain pa rin niya ang pagiging mhin sa roles na ibinibigay sa kanya ng home network niya. At least, nakatago ang lalaki niya sa kanilang lovenest, huh! Hindi pang-public!

Ice suportado sina Eddie at Gloria

Suportado ni Ice Seguerra ang film fest entry na Rainbow Sunset. Hindi na siya nagdalawang-isip nang mahilingan siyang kantahin ang theme song ng movie at gawan ng music video.

Among the movie fest entry ngayong Disyembre, maituturing na dark horse ang Rainbow Sunset lalo na’t pinagbibidahan ito ng veteran actors na sina Eddie Garcia at Gloria Romero.

Pero naniniwala ang producer ng pelikula, ang Heaven’s Best Entertainment at director ng pelikula na si Joel Lamangan na may puwang ang isang family drama ngayong Christmas, huh!

Kasi naman, kung aktingan ang pag-uusapan, wala nang duda sa galing nina Eddie at Gloria. Eh, sinamahan pa sila ng de kalidad ding junior actresses gaya nina Aiko Melendez, Sunshine Dizon at iba pa, kaya bukod sa istorya, eh, award-winning performances pa ang mapapanood sa movie.

Of course, may LGBT factor ang movie kaya suportado ito ni Ice. Pero higit pa roon ang handog nito kahit binigyan ng PG rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang Rainbow Sunset.

vuukle comment

ICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with