^

Pang Movies

Aga, 24 taon na ang pamamasko!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Aga, 24 taon na ang pamamasko!
Aga Muhlach

Finally, Salve A., nairaos na ni Aga Muhlach at ng Jollibee ang taunan nilang gift-giving sa mga bata sa pamamagitan ng kanilang 24 year-old advocacy na MaAGA ang Pasko.

This time, ang kanilang recipient ay ang mga batang estudyante ng Bayan-Bayanan Elementary School sa Muntinlupa City.

Mas naging meaningful pa ang nasabing event dahil kasama nila ang Jollibee representatives na sina Arline Adeva, AVP Brand Com and PR, at Dennis Reyes, Senior Brand PR Manager, sina Charlene (siyempre ang misis ni Aga) ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres.

Ani Charlene: “First time naming nasaksihan at nakatulong ang pamimigay ng gifts ni Aga at ng Jollibee sa taunang charity project nilang ito.

“Ang saya pala talaga, tulad ng madalas na ibinabalita sa amin ni Aga. At feel mo kung gaano ka-grateful ang mga bata sa natatanggap nilang regalo.

“May iba pa ngang nagmamano, dahil sa kakaibang kasiyahan marahil na nadarama nila.”

Si Aga mismo ang nag-conceptualized ng taunang MaAGA Ang Pasko sa Jollibee na para sa nasabing food management, feasible at appreciative.

Sa nasabing advocacy, maging ang mga customer ay maaaring makapag-donate ng mga lumang laruan na mapapakinabangan pa. Maging ang mga batang regular na kumakain sa nasabing fast food chain ay nae-encourage na mag-donate ng mga laruan para sa kapwa nila bata.

Sa susunod na taon ang 25th year ng MaAGA Ang Pasko sa Jollibee.

“Expect an even Jolliibier MaAGA ANg PAsko sa Jollibee,” ani Aga.

Promise Aga, promise Jollibee.

Arjo nai-excite ‘pag kasama si Maine!

Tumangging mag-comment ang ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez tungkol sa rumored romance nito kay Maine Mendoza nang mag-guest siya sa morning program nina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Karla Estrada na Magandang Buhay.

Kung sabagay, maging si Arjo ay tikom din ang bibig pag tinatanong siya tungkol kay Maine dahil kami mismo ay tinanong siya at ngiti lamang ang kanyang isinagot.

Nagkaroon kami ng pagkakataong makatsikahan siya nang pumirma ito ng kontrata sa ABS-CBN, kung saan regular na siyang nagtatrabaho for more than five years.

He is currently doing a series, ang The General’s Daughter ni Angel Locsin, plus Maricel Soriano and Albert Martinez.

Kasama rin siya sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018 entry nina Maine, Vic Sotto at Coco Martin na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Ang nakapagpa-excite raw kay Arjo sa nasabi nilang pelikula, bukod sa makakasama niya si Maine ay ito ang una niyang beses na mapapasama sa MMFF.

Nakatrabaho na rin ni Arjo si Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya wala siyang naging problema.

Sa ngayon daw ay wala pa siyang idea kung makakasama siya sa Parade Of stars na gaganapin, dalawang araw bago ang official start ng MMFF which is on December 25. Hindi naman daw kasi full length ang role niya.

First time rin daw niyang makasama si Vic na gaganap naman bilang ama ni Maine.

Vic co-produces Jack Em Popoy for his M-Zet Productions with Tony Tuviera’s APT Entertainment and Coco’s own CCMM Film Production.

Coco himself directs Jack Em Popoy using his real name Rodel Nacianceno.

Megan at Mikael inaabangan na ang pagpapakasal

Bakit kaya parang hindi na abala si former Miss World 2013 Megan Young sa kanyang showbiz career?

“Hindi kaya ikakasal na?” tanong ng marami. “matagal-tagal na rin ang relasyon nila Mikael Daez.”

Did we hear it right na nagbakasyon ang mag-sweethearts sa U.S. recently?

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with