^

Pang Movies

Rufa Mae magbebenta ng maluluwag na damit

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Rufa Mae magbebenta ng maluluwag na damit
Rufa Mae Quinto

Balik daw sa dati niyang kaseksihan si Rufa Mae Quinto, kaya ‘yung mga damit niya noong medyo lumaki siya ay dini-dispose na niya.

May pa-clearance sale si Rufa Mae. Pati raw ang mga damit ng anak niyang si Athena na pinag­liitan na, idini-dispose na rin ng comedienne.

Uso sa mga celebrity ‘yung pagki-clearance sale ng kanilang mga damit at iba pang mga gamit.

Aiko at Mayor Jay parang high school kung magharutan

Ang himutok ni Aiko Melendez na dalawang araw na siyang sinusumpong ng migraine.

Sabi naman ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun, “Kispirin at yakapsul… tanggal ‘yan baby.”

Pabiro ring sagot ni Aiko, “San na? Kulang kasi wala at all.”

“Malapit na,” sagot naman ni Mayor Jay.

“Sus, paasa,” sabi ni Aiko.

Naaaliw ang mga tao sa ganitong biruan sa Facebook ni Aiko at ng kanyang politician-boyfriend.

Annabelle may hinahandang show sa Valentines!

Abalang-abala si Annabelle Ra­ma ngayon dahil babalik siya sa pag­poprod­yus ng dinner show.

May inihahandang pre-Valentine dinner show si Bisaya.

Kahapon, kinulit-kulit niya ako na mag-suggest ng mga singer na isasama niya roon. May ilan na siyang binanggit, pero huwag ko raw munang isusulat at saka na niya ia-announce kapag complete na ang listahan.

Bea at Martin nag-duet sa London

Speaking of shows, bongga ‘yung duet nina Martin Nievera at Bea Alonzo nang mag-show sila sa London, United Kingdom.

Ang DZMM ang organizer ng show na ‘yon at after ng London, nagpunta naman sila sa Rome, Italy.

Ang alam ko, balik-London si Martin, pero si Bea, malamang na uuwi na kaagad ng Pilipinas.

Birthday ng anak nina Tonton at Glydel, pinabongga!

Ang bonggang birthday party ni Aneeka, ang bunsong anak nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

Ginastusan daw talaga ng mag-asawa ang 7th birthday na ‘yon ng kanilang bunso.

Sabi ni Ruffa Gutierrez, hindi raw nakipag-exchange deal ang kanyang Kuya Tonton at Glydel para sa party na ‘yon ng anak.

Mariel at Robin sosyal ang pa-giveaway sa birthday ng anak

Bongga raw ang giveaways sa 2nd birthday party ni Isabella Padilla, ang anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na ginanap sa Blue Leaf  Events Pavillion noong Sunday. Disney ang theme ng birthday party na ‘yon ni Isabella.

Nandun si Aljur Abrenica kasama ang anak na si Alas at lovey-dovey na si Kylie Padilla.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with