^

Pang Movies

Kelsey naki-level kina Kendall Jenner at Rihanna sa pagpapaganda!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kelsey naki-level kina Kendall Jenner at Rihanna sa pagpapaganda!
Kelsey Merritt

Hindi makapaniwala ang Filipina model na si Kelsey Merritt na umabot na sa one million ang followers niya sa Instagram after rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show 2018 sa New York City noong nakaraang November 8.

Dumami ang fans ni Kelsey sa social media dahil sa pagtawag sa kanya na isa siyang “rising star” sa mundo ng modeling.

Ngayon ay may proud moment ulit si Kelsey Merritt dahil na-feature siya sa official website ng Vogue.

Pagkatapos ng kanyang first time na rumampa sa VSFS 2018, nag-share naman si Kelsey ng kanyang beauty secret sa Vogue website.

Kabilang sa mga natural na pampaganda ni Kelsey ay coconut oil para ma-moisturize ang kanyang skin. Kinuwento rin ni Kelsey na may sarili siyang tanim na aloe vera para sa kanyang shiny hair.

Nag-share din si Kelsey ng kanyang make-up secrets most especially sa mga girls na tulad niya na may naturally tan skin color.

Nagkuwento rin si Kelsey ng kanyang journey bilang isang model at gusto niyang maging inspirasyon siya ng maraming Pinoy.

“It means a lot to me and the people back home because they love Victoria’s Secret so much. And they’ve always wanted a Philippine model to walk. It’s not just success for me — it’s also success for them,” diin ni Kelsey.

Tulad ni Kelsey, featured din sa Vogue website ang mga beauty routines nila Rihanna, Kendall Jenner, Emily Ratajkowski, and Rosie Huntington-Whiteley.

Second most-shared feature sa Vogue website ang video feature na ito ni Kelsey.

Pauline maang-maangan kina Bianca at Ruru!

Either magaling lang mag-maang-maangan o walang alam ang Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza tungkol sa balitang naghiwalay na raw sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Pagkatapos daw kasi ng kanilang teleserye na Kambal Karibal ay doon na kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa at may iba nang karelasyon.

Si Kyline Alcantara na raw ang nababalitang girlfriend ni Miguel at si Ruru Madrid naman ang nababalitang boyfriend ni Bianca.

Ayon kay Pauline, hindi raw sila madalas magpalitan ng text messages nina Miguel at Bianca kaya nagulat din daw noong may mga nagtatanong na sa kanya tungkol dun.

Kung totoo nga raw na hiwalay na sina Miguel at Bianca, isa sa manghihinayang ay si Pauline.

“Sana po hindi totoo na wala na ang BiGuel loveteam. Kasi saksi po ako sa suporta ng maraming fans nila.

“As in, kapag may mall show kami, nandiyan sila para sa dalawa.

“Tsaka sayang naman po ang ilang taon na pinaghirapan nila para mabuo ang loveteam nila,” pagtapos pa ni Pauline na mapapanood sa bagong GMA Primetime teleserye na Cain At Abel.

vuukle comment

KELSEY MERRITT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with