^

Pang Movies

Aktor gay bar ang favorite hang out!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakilala pala ng aktor sa isang gay bar ang bagong dyowa niya ngayon. Favorite hang out ng mga pa-mhin ang gaybar at sanay na sila na nakikita sa nasabing lugar ang aktor.

Actually, lahat ng mga mhin na nakarelasyon ng aktor, na-meet niya sa gay bar na kanyang madalas na puntahan.

Yun nga lang, walang relasyon na nagtatagal ang aktor kesehodang hindi niya isinasapubliko ang kanyang lovelife.

Nakikita ang aktor na madalas na kasama ang mga dyowa niya pero hindi siya nagsasalita o nagkukuwento sa mga nagaganap sa kanyang personal life.

Mga anak nina Andeng at Mayor Junjun in born singer!

Happy 13th wedding anniversary kay Andeng Bautista-Ynares at sa kanyang asawa, ang incumbent Antipolo City Mayor na si Junjun Ynares.

Kahapon, November 19.  ang actual wedding anniversary nina Andeng at Junjun na biniyayaan ng dalawang anak na babae na parehong talented singer at future showbiz personalities tulad ng kanilang mga pinsan.

Nakakamangha na sa murang edad, magagaling na singer ang mga anak nina Andeng at Junjun. Hindi sintunado ang pagkanta nila ng Kahit Maputi Na ang Buhok Ko na dedicated ng mga bagets sa kanilang mga magulang.

Si Andeng ang isa sa mga producer ng Imus Productions na active uli sa paggawa ng mga pelikula.

Hopefully, magpatuloy sa pagpo-produce ng mga pelikula ang Imus Productions sa 2019, kahit sasabak na rin si Andeng sa mundo ng public service.

Kakandidato si Andeng na mayor ng Antipolo City sa midterm elections sa May 2019 at suportado ng kanyang better-half ang pagtakbo niya.

First time ni Andeng na kakandidato pero may sapat na kaalaman at karanasan siya sa public service dahil naging gobernador ng Rizal province at incumbent ma­yor ng Antipolo ang asawa niya.

Matagal din na nanungkulan na senador ang tatay ni Andeng, si former Senator Ramon Revilla, Sr., konsehal sa Bacoor City ang kanyang kapatid na si Rowena, Vice Governor ng Cavite ang pamangkin niya na si Jolo Revilla, Mayor ng Bacoor City ang kanyang sister in-law na si Lani Mercado, kongresista ang Kuya Strike Revilla niya at siyempre, na­ging gobernador ng Cavite at senador ng bansa si Bong Revilla, Jr.

Naudlot na concert nina Rico, Giselle at Marissa, tuloy na tuloy pa rin!

Matutuloy sa November 23 ang show nina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez sa The Theatre ng Solaire, kahit pumanaw noong October 30 si Rico Puno na isa sa mga headliner ng concert.

Nag-decide ang mga produ na gawin na tribute kay Rico ang show nila nina Giselle at Marissa. Special guests sa concert ang mga anak ni Rico na sina Tosca at Rox.

vuukle comment

GISELLE SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with