^

Pang Movies

Richard tutok muna sa Fantastica bago kay Bea!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard tutok muna sa Fantastica bago kay Bea!
Richard Gutierrez

Ang kick-off kahapon ng Fantastica-ravan mall shows ng pelikulang Fantastica, ang Metro Manila Film Festival 2018 official movie entry ng Star Cinema at Viva Films.

Pinangunahan ni Richard Gutierrez ang mall show sa SM Telebastagan sa Pampanga ng 4:00PM at pagkatapos ay sige naman siya sa SM Marilao.

Kasamang nag-mall show ni Richard ang love team nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan pati ang mga komedyanteng sina Ryan Bang at Juliana Parizcova.

Nationwide raw ang Fantastica-ravan mall shows, kaya pati malalayong mga probinsya ay pupuntahan nila.

May nakita pa nga akong Cebu sa schedules nila.

May ibang kasama si Vice Ganda at ang iba pang cast.

Hati-hati yata sila ng pupuntahang mga mall.

Mukhang tututok muna sa promotions ng Fantastica si Richard dahil baka sa January pa magsisimula ang taping ng primetime series nila ni Bea Alonzo sa ABS-CBN.

Speaking of that series, inamin ni Bea na sobra na siyang excited na makatrabaho si Richard dahil first time nga talaga nila.

Si Richard din, excited na dahil kahit noong nasa GMA-7 pa siya ay maraming mga fan ang nagsasabing bagay silang magkapareha sa pelikula at ngayon nga, sa isang TV series na mangyayari ‘yon!

Mayor Cristina madali pa ring ma-reach

In fairness to Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez, kahit naiintriga siya ngayon, hindi naman siya lumalayo sa entertainment press.

Nang i-text ko nga siya the other day para kumustahin, sumagot naman siya.

Kahit nasa mundo na nga pala ng pulitika si Cristina, madali pa rin siyang nari-reach ng entertainment press.

Regine reynang-reyna!

Ang komento ng marami na reynang-reyna si Regine Velasquez-Alcasid sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN!

In fairness, hindi lang naman ang Kapamilya management and staff ang tumuturing na Reyna kay Regine, kahit ang ibang stars and singers ng Dos, ganoon din ang turing sa kanya!

Marami nga pala akong mga kakilala na taga-ibang TV networks na tumutok din kahapon sa ASAP para panoorin ang pagiging official na regular ni Regine sa show na ‘yon!

Nakakatuwa nga pala na parang walang kapaguran si Regine dahil kahit nag-Regine at the Movies siya noong Saturday evening sa New Frontier Theater, maaga pa rin siyang dumating sa ASAP kahapon.

Saka marami ang nagsasabing mukhang ang saya-saya ng dating ni Regine sa pagiging part na niya ng ASAP!

Elmo at Janella magkaaway pa rin

Isang nakasama nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa concert tour nila sa Canada with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo ang tinext ko ng, “Hindi pala talaga naayos ang ElNella problema sa Canada?”

Ang sagot naman niya ay, “Baka in time…”

Well…

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with