^

Pang Movies

JM at Jason pinagsasabong!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
JM at Jason pinagsasabong!
Jason

Nag-aaway ang fans nina JM de Guzman at Jason Dy kung kanino ang mas magandang version ng Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong, ang kantang nagkampeon sa katatapos na Himig Handog na compose at music ni Kyle Raphael Borbon.

 

Gusto ng iba ang original version ni JM na simple at walang arte, samantalang mas marami ang boto sa interpretation ni Jason. Pinagsasabong ng fans sina JM at Jason na iniintriga ang hindi pagpunta ni JM para pareho sana silang tumanggap ng award.

Bale ba si JM ang kumanta ng weekly performance na 10% at si Jason ang nagpakitang gilas sa finals na 20 % ng nasabing singing contest ayon sa criteria.

In fairness kay JM, napaka-emosyonal ng kanyang pagkakabanat sa malungkot na sentimental na kanta.

Kakaibang flavor naman ang ibinigay ni Jason sa  tunog ng single na mas binuhay niya at binigyan niya ng pag-asa na puwede pang magkaroon ng  second chance ang nasawing puso dahil sa upbeat na pagkakakanta niya.

Parehong mahusay sina JM at Jason na pawang gifted singers. Iba lang talaga ang style ni Jason na excellent sa kanyang performance. Hindi kailangan bumirit o sumigaw pero damang-dama mo pa rin ang message ng nanalong kanta.

vuukle comment

JASON DY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with