^

Pang Movies

Regine dapat magpapayat!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Regine dapat magpapayat!
Regine

Sana naman ay tumigil na ang bashers ni Regine Velasquez dahil mapapagod din sila.

 

Nasaktan sila sa paglipat ng singer from Kapuso to Kapamilya. E, katatapos pa lang ng programang The Clash (kung saan siya ang host) at isa ka sa ipinagmamalaking artista nila na matagal ding alaga ng network. Feeling kasi ng mga basher ay walang utang na loob ang Songbird.

Sa mga basher ni Regine, huwag na pong magalit, wag pikon, move on na tayo.

Well, sa sobrang taas ng boses ni Regine kung kaya’t siya ay hinangaan at sumikat bata pa siya noon kaya firm na firm pa ang boses niya. Ganun talaga nagkaka-edad na rin si Regine at sa tagal ng panahon ng pagkanta niya, malamang na bibigay at bibigay rin, kumbaga hindi maiiwasan na madiskaril ang boses.

Pero sa tingin ko kailangan din kasi ng konting pahinga para manubalik ang pwersa ng boses ng tinaguriang Asia’s Songbird. Konting workout para lumiit ang mga braso. Ganun talaga pag nagkaanak na ang mga babae, nagbabago ang pangangatawan.

Almira, flawless pa rin

Dati kong alaga si Almirah Muhlach, nakababatang kapatid ni Aga Muhlach at Arlene Muhlach, mga anak ng yumaong si Cheng Muhlach. Natuwa ako at nagbalik-showbiz na siya, na mapapanood sa series na Halik sa ABS-CBN bilang wife ni Cris Villanueva.

Napakaganda pa rin ni Miray hangang ngayon, parang bulaklak na bago pa lang namumukadkad at flawless pa rin siya. Dahilan kung bakit napapanatili niya ang kanyang ganda ay dahil isa siyang professional make up artist at gumagawa ng mga beauty product at may sariling display outlet sa matataong lugar.

Beth Bautista super rich na

Sana, magbalik-showbiz din ang isa ko pang alaga na hanggang ngayon ay napakaganda pa rin at still bagets looking, si Beth Bautista. Naging wife siya ng yumaong si Cheng Muhlach at nagkaroon sila ng isang anak na lalake, si Barok na isa na ngayong magaling na chef ng isang hotel restaurant na siya mismo ang nagmamay-ari.

Naging Best Actress siya ng Gawad Urian sa pelikulang Hindi Sayo Ang Mundo, Baby Fortuna.

Who knows baka ma-convince ni Miray si Beth na mag-showbiz ulit, just for the sake of arts, dahil knows namin na super rich na siya at masaya sa kanyang private life bilang businesswoman.     

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with