^

Pang Movies

Mga artistang may advocacy lalong dumarami ang blessings

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Good din na may advocacy pala si Alice Dixson na Kalipay Orphanage sa Negros. At least sa gitna ng busy sked niya, nagagawa pa rin niyang mag-charity.

 

At every year pala may pa bowling tournament siya para makalikom ng pera para sa sinusuportahan niyang orphanage.

Kapuri-puri ang mga artistang may advocacy para makatulong sa mga tao na masasabi nating hindi naging masuwerte sa buhay.

Iyon kay Dingdong Dantes, kay Marian Rivera na Smile Foundation, kay KC Concepcion, Kim Chiu, mga artistang tuluy-tuloy ang tulong at sharing, iyan ang lalo pang pinagpapala dahil marunong sila mag pay forward.

Si Coco Martin kaya patuloy na minamahal dahil bukas palad sa mga humihingi ng tulong. Kaya hindi nabura ang pangalan ni FPJ dahil legendary sa gene­rosity niya.

Sa buhay ‘pag selfish ka at hindi marunong mag-share, hirap ka rin makakuha ng grasya. Share, pay forward, more blessings will come your way.

Cain at Abel hinihintay kung papalagan din ng mga pulis 

Bukas na ang pilot telecast ng Cain at Abel, ang primetime teleserye ng GMA 7 na kapalit ng Victor Magtanggol at pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes.

Mainit na pinag-uusapan ang mga emote ng Philippine National Police tungkol sa Ang Pro­binsyano dahil hindi nila type na pinagmumukhang mga kontrabida ang mga pulis, kahit kathang-isip lamang ang mga eksena sa teleserye ng ABS-CBN.

Waiting ang fans ng Cain at Abel sa magiging reaksyon ng PNP sa mga eksena ng television series ng GMA 7 dahil may mga bad cop cha­racter din sa show nina Dennis at Dingdong.

Bold star tuloy sa paglalaswa kahit may mga bata

Pinandirihan ng audience ang isang bold star dahil sa mga green joke nito na hindi akma para sa young audience ng show na inapiran niya.

Inawat ang bold star sa pagsasalita ng malaswa pero hindi siya nagpapigil.

Ang akala yata ng bold star, funny ang kanyang mga sinasabi pero walang tumatawa sa mga bastos na biro niya.

May dapat ipagpasalamat ang bold star dahil disente ang mga nanood ng show. Nakapagtimpi pa sila kaya napigilan nila ang mga sarili na huwag i-boo at palayasin sa stage ang bold star na salaula ang bibig.

Manila COD ibinalik

Out of the country si Que­zon City Mayor Herbert Bautista kaya si Vice Mayor Joy Belmonte ang special guest sa opening ng Quezon City International Pink Film Festival noong Miyerkules sa Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, Que­zon City.

Noong Biyernes, muling bumalik si Mama Joy sa Ara­neta Center dahil kabilang siya sa mga panauhin na pandangal sa opisyal na pag-iilaw sa giant Christmas tree sa dinarayo na commercial center sa Cubao.

Nakasama ni Mama Joy sa Christmas tree lighting ceremony sina Vice Ganda, Sarah Geronimo at ang Araneta family.

Hindi lamang ang giant Christmas tree ang attraction sa Araneta Center dahil ibinalik din dito ang Christmas display ng Manila COD na sikat na department store noong araw.

Noong araw, hindi kumpleto ang Pasko kapag hindi napapanood ng mga bata at matatanda ang Christmas display ng Manila COD na panata at tradisyon ng Del Rosario family, ang may-ari ng department store na ginamit na location noon ng maraming pelikula.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with