^

Pang Movies

Robin bumanat sa panlalaglag ng CHED sa Filipino!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Robin bumanat sa panlalaglag ng CHED sa Filipino!
Robin Padilla

Supreme court nag-agree

Sa pagkakataong ito, kinakampihan namin si Robin Padilla sa kanyang pakikipaglaban para sa wika at panitikang Filipino. Nagdesisyon kasi ang CHED (Commission on Higher Education) na alisin na ang pag-aaral ng Filipino sa pamantasan dahil may duplication lang daw, tutal itinuturo na iyon sa elementary at high school. Iyon namang desisyong iyon ay kinatigan ng Korte Suprema.

May kasabihan ang mga abugado, kahit na sabihin mong mali pa iyan, oras na kinatigan ng Korte Suprema, ang kanilang desisyon ay nagiging isang batas na dapat nang sundin. Pero hindi mo maiaalis sa magbigay din ng opinion ang tumututol sa desisyon nila. Sa katunayan, ang Pilipinas lamang ngayon ang tanging bansa na nagbabawal na ang kanilang wika ay ituro sa mga paaralan.

Hindi ba nakakatawa.

Coco napansin na ang mga‘kasamaan’!

Natawag ang aming pansin sa sinabi ni Police Director General Oscar Albayalde na sa kanyang palagay, at ganundin naman ng iba pang mga namumuno sa PNP (Philippine National Police), nakakasira raw sa image ng pulisya ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Nakikita raw kasi sa nasabing serye ang mga tiwaling pulis na sumusunod naman sa isang tiwaling presidente ng bansa. At dahil walang duda na ang setting ng serye ay ang Pilipinas, kahit na sabihing iyan ay fiction lamang, nakakasira iyan sa imahe ng PNP.

Dahil diyan, napagkasunduan daw sa isang meeting, kasama si DILG (Department of the Interior and Local Government) Secretary Eduardo Ano, na dati ring chief of staff ng AFP (Armed Forces of the Philippines), na susulatan nila ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at ang producers ng serye at sasabihin nila kung ano ang kanilang concern.

Sinabi ni Albayalde na noon pa raw September ay tinawag na nila ang atensiyon ng MTRCB tungkol sa nasabing serye, pero siguro nga hindi iyon napansin ng MTRCB. Siguro nga dahil sa paniniwala nila na sila ay isang “classification board” lamang at walang kapangyarihan sa sensura. Pero kung nakakapag-issue nga sila ng reprimand sa medyo bastos na palabas, bakit nga ba hindi sa mga maaaring makasira ng imahe ng isang national institution kagaya ng PNP?

Kung iisipin mo naman, may mabubuting pulis din sa AP. In fact, ang lead character na si Cardo ay isang mabuting pulis, iyon nga lang sumama na sa mga nagre-rebelde dahil sa pagkadismaya sa isang tiwaling gobyerno. In the end hindi rin maganda para sa gobyerno.

In fact, sabi pa nga ni Albayalde, maski ang presidente nalalagay sa alanganin ang image dahil sa serye ang presidente ay tiwali, supporter ng mga drug lords, at maraming ginagawang kawalanghiyaan. Pero may lusot ang iba riyan dahil sinasabi nila “hindi ba nangyari naman iyan in the past”?

Ewan kung ano ngang pagbabago ang magagawa nila sa Probinsyano ngayong umaangal na ang PNP sa kanilang serye.

Starlet pinagtawanan nang ‘di makapasa sa audition!

Ang lakas ng tawanan nila nang mabalitaang bumagsak sa kanyang audition ang isang dating star, na starlet na lang ngayon.

Masyado kasing mataas ang ambisyon eh. Dapat magsikap munang gumawa ng milagro dito sa atin bago mag-ambisyong gulatin ang buong mundo.

Pero minsan maganda naman iyong may mga nangyayaring ganyan para magising naman sa katotohanan ang nabubuhay sa ilusyon.

Basta kami natawa rin.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with