^

Pang Movies

Paolo humakot pa ng suwerte bago matapos ang taon!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Paolo humakot pa ng suwerte bago matapos ang taon!
Paolo Contis

How time flies, Salve A., Parang kailang lang ay regular si Paolo Contis sa ABS-CBN show for kids na Ang TV noong kabataan pa niya.

Ngayon ay 34 years old na siya at may dalawang anak sa ex-wife na si Lian Paz. Parehong babae ang anak niya rito na naka­tira sa Cebu kasama ng kanilang ina at bago nitong pag-ibig. Grateful lang daw si Paolo that Lian’s new partner reportedly treat the two girls like his own kahit na may anak na rin daw si Lian sa kanyang bagong asawa.

Si Paolo naman ay magiging tatay na rin sa panganay nila ng new partner na si LJ Reyes, habang si LJ ay may isa nang anak kay Paulo Avelino, si Aki na close na close kay Paolo.

Samantala, obvious namang busy si Paolo sa last few months ng taon. Nakatapos siya ng dalawang pelikula at ang isa ay currently showing na ngayon, ang Through Night and Day nila ni Alessandra de Rossi at Ang Pangarap Kong Holdap with Pepe Herrera and Jerald Napoles.

He remains a mainstay sa Bubble Gang kung saan pinangungunahan ni Michael V. Siya rin ang boses na gumaganap na Koboy sa unang Filipino anime series, Barangay 143 na produced by GMA-7.

Martin mas malaki ang kita sa abroad

Kaya pala mabibilang mo lang sa daliri ang performances ni Martin Nievera dito, especially live ay dahil mas matindi ang raket niya sa pagpe-perform abroad at ang bayad ay dolyares.

Halimbawa na lang na bago siya bumalik sa Pilipinas para sa pagbibigay pugay sa yumao niyang kaibigan na si Rico J. Puno na kalilibing lang a week ago, nag-perform pa si Martin sa Alex Theater in Glendale, California, kasama ang fellow Filipino singers na sina Jet Montilibano and Louie Reyes.

Marami nang na-accomplished bilang singer si Martin at sa tagal ng panahon, nananatili pa rin siyang Concert King sa entertainment world. Thank God for his blessing.

Lalo pa raw siyang naging blessed dahil may mga anak siyang maipagmamalaki, ito ay ang mga anak niyang lalaki sa former wife niyang si Pops Fernandez, sina Robin at Ram at si Santino na siyempre ay iba ang nanay.

Si Robin ay isa ring musician tulad nila ni Pops, habang si Ram naman ay isang animator at si Santino ay bata pa at nag-aaral sa Amerika.

Kung ang lovelife naman ni Martin ang pag-uusapan, he cannot ask for more, he said once.

Para nga pala sa hindi aware, Martin is back to hosting, where he still excels as well. He is host of the talk show, ang LSS (Long Story Short) on ANC (ABS CBN News Channel).

 Liza at Freddie pasok kina Sharon at Richard

Dalawa sa mga hinahangaang icon sa showbiz ang makakasama nina Richard Gomez at Sharon Cuneta sa comeback film nilang Three Words To Forever, sina Liza Lorena at Freddie Webb.

Mula ito sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina and produced by Star Cinema.

Kasama rin sa nasabing pelikula sina Kathryn Bernardo at Tommy Esguerra.

Noong kabataan pa nina Liza at Freddie pareho silang nakagawa ng kani-kanilang achievements.

Si Freddie ay dating basketball player at dating senador, habang si Liza naman ay former Miss Luzon. Ina rin siya ni Tonton Gutierrez.

Three Words To Forever is scheduled for release in theaters nationwide, November 28.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with