^

Pang Movies

VM Joy nanguna sa opening ng Quezon City International Pink Film Festival!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
VM Joy nanguna sa opening ng Quezon City International Pink Film Festival!
Quezon City Vice-Mayor Joy Belmonte

Nasa Spain si Quezon City Mayor Herbert Bautista para mag-attend ng convention doon kaya si Quezon City Vice-Mayor Joy Belmonte ang nag-open ng Quezon City International Pink Film Festival na ginanap sa Gateway Cineplex last Wednesday evening.

Ipinangako ni Vice Mayor Joy na patuloy na gaganapin ng Quezon City government ang pagdaraos ng Pink Film Festival para ipakita ang kanilang suporta sa mga LGBT at sana raw ay gayahin din ng ibang siyudad sa Pilipinas.

Pinarangalan naman si Reynaldo “Oliver” Villarama bilang natatanging Pink Film Award. Si Oliver ay ang gay icon of the 80’s at female impersonator na bida sa Oliver, ang 1983 documentary movie na dinirek ni UP Professor Nick De Ocampo at Director ng Pink Festival.

Ipinagkatiwala ni Oliver kay Direk Nick ang story niya para isalin sa pelikula ang buhay niya noong panahon ng Martial Law para matulungan ang kanyang pamilya. Nakilala si Oliver sa pagganap niya bilang si Spider Man. Ilan pa sa ginampanan niyang role sina Liza Minelli at Grace Jones.

Nawalan ng contact si Direk Nick kay Oliver at tamang-tama after ng 25 years, natunton niya sa pamamagitan ng Facebook at siya nga ang binigyan ng natatanging Pink Film Award na isa pa lamang ang nakatanggap, si Direk Soxy Topacio. Tumama rin si Oliver para sa Philippine Documentary Centennial (1918-2018).

Full-packed ang cinema at ang opening festival film na 50 Years of Fabulous na ginanap sa Gateway Mall. Tatagal ang festival hanggang sa November 25 na ipapalabas ang international features, Filipino features, international short films, Filipino shorts, documentary shorts, student shorts, Asia-Pacific shorts, regional shorts, UP Film Institure shorts.

Magiging closing films ang It Runs in the Family na dinirek ni Joella Cabalu.

 VM two days straight nag-taping para sa finale!

Two straight days nag-taping si Alden Richards at buong production team ng grand finale ng action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol sa Cavinti, Laguna, last Wednesday and Thursday.

Nagkaroon ng konting aberya kasi inulan ang set at hindi sila nakapagpatuloy ng taping. Iyong mga eksenang kinunan sa chromac ang inuna nila habang nagpapatila ng ulan. Kaya nag-decide na si Direk Dominic Zapata na idiretso na ang taping kaysa bumalik sila ngayong Friday sa mga eksena pang ipalalabas mamayang gabi.

Huwag i-miss ang grand finale ng Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with