^

Pang Movies

Young actor hindi namana ang magandang ugali ng ama

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Dedma ang isang kilalang male personality sa entertainment press na nakasama sa isang showbiz event. Lagus-lagusan ang tingin niya sa press na walang paki kahit nandoon siya o wala.

Sey ng isang press, walang-wala sa PR ng sikat na ama ang male celeb na ang giliw-giliw sa press kapag nakikita, huh! Ni katiting na PR eh hindi yata nagmana ang anak sa pagmamahal ng ama sa press huh!

Kaya sabi ng isang mataray na press, “Kaya hindi siya sumikat-sikat eh! Hanggang sa pagiging one of those na lang siya sa showbiz!”

Kim hindi na idinenay si Xian!

Wala nang arte pang inamin ni Kim Chiu ang pagkakaroon nila ng relasyon ng ka-loveteam na si Xian Lim sa guesting last Wednesday ng Chinita Princess sa talk show ni Boy Abunda.

“Meron. Yes. Oo, oo!” deklara ni Kim sa tanong ni Boy kung ano ang status ng relasyon nila ni Xian na inilabas ng ABS-CBN News sa Twitter.

Eh nu’ng Miyerkules ng gabi, inilabas ng Regal Entertainment ang trailer ng festival entry nitong One Great Love na pinagbibidahan nina Kim, JC de Vera at Dennis Trillo. In fairness, hindi naman ito naapektuhan dahil naging isa ito sa top trending topics sa Twitter, huh!

Sobrang husay raw kasi ni Kimmy dahil nakakadala ang mga eksena habang kasama sina Dennis at JC.

Alden namigay ng hammer sa batang may deperensiya

Pinaligaya ni Alden Richards ang anak ng isang sa crew ng Kapuso series niyang Victor Magtanggol nang mapanood niya ang ipinakitang video na tanging ang pangalan niya sa series ang nasasabi dahil sa diperensiya sa pagsasalita ng bata.

Niregaluhan ng Pambansang Bae ang bata ng kanyang sandata na hammer bilang sukli sa paghanga sa kanya. Dahil nga sa VM, ayon sa direktor niya, siguradong si Hammerman (character niya) ang maging hero ng millenials.

Anyway, ngayong gabi ang huling laban ni Alden bilang VM kaya naman tutukan ang maaaksyon na eksenang hinding-hindi makakalimutan ng manonood.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with