^

Pang Movies

Richard at Sarah pahinga muna!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard at Sarah pahinga muna!
Richard, Sarah

Bago sumabak si Richard Gutierrez sa ma­tinding promo schedules ng Metro Manila Film Fetsival 2018 official entry ng Star Cinema at Viva Films, ang Fantastica, nag-out of town muna sila ng lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati.

Nasa Palawan sila ngayon para sa beach escapades nila.

Siyempre, like Richard and Sarah, mahilig din sa beach ang panganay nilang si Zion, kaya naman kasama ito at sobrang nag-e-enjoy roon simula pa noong Tuesday. Kasama rin si Baby Kai sa bakasyon na ‘yon.

Hanggang Saturday sila roon at bonggang bonding na rin ‘yon lalo na at lately lang uli sila nagkakasama araw-araw dahil nga naging busy si Richard sa Fantastica shooting at si Sarah naman ay nag-guest ng almost a month sa Eat Bulaga.

Oo nga pala, nakakatuwa ang mga fan dahil panay ang request nila na sana ay muling lumabas sa Eat Bulaga si Sarah.

Marami pa nga sa kanila ang nagre-request na sana ay maging permanent doon ang lovey-dovey ni Richard.

Going back to Richard’s Fantastica promo schedules, nalula ako dahil halos araw-araw ‘yon. Marami rin silang out of town promo, huh!

Ruffa naudlot sa mga ipangre-regalo!

Ang ate naman ni Richard, si Ruffa Gutierrez, abalang-abala sa paghahanda ng kanyang mga ipangreregalo sa kanyang pamilya.

May ilang pinabibili sa akin si Ruffa habang kasama ko si Raymond Gutierrez sa Amerika.

Nang namimili na ako, aba, nakialam si Raymond.

Sinabihan niya ang kanyang ate na dapat hingin ang wish lang ng bawat isa at doon mamili ng mga ipangreregalo, kaya naman ni isa sa mga bilin ni Ruffa, wala akong nabili, huh!

Biniro ko nga si Raymond na na-stress ako na kasama siya!

Si Ruffa naman, walang nagawa at sinunod na lang ang advice ni Raymond.

Anyway, speaking of Christmas gifts, alam n’yo ba na si Ruffa mismo ang nagbabalot ng kanyang mga ipinangreregalo?

Mahilig ding mamigay ng Christmas cards si Ruffa na may personal note.

Female celebrity at PBA player nagpalagay na ng couple tattoo!

Wow, mukhang mag-sweethearts na talaga ang isang female celebrity at ang PBA player na nali-link sa kanya.

May nagpadala sa akin ng picture kung saan ay nagpa-tattoo si female celebrity.

May matching tattoo rin daw si PBA player.

So, hindi lang sila basta nagde-date na ngayon, magkarelasyon na talaga sila at sa ginawa nilang pagpapa-tattoo, obvious na magtatagal ang relasyon nila, huh!

Nakita ko nga pala ang tattoo sa kamay ni female celebrity at maliit lang naman ‘yon at very cute ang dating!

Ano kaya ang masasabi ng former actor turned politician na dating karelasyon ni female celebrity sa tsikang ito?

Well…

Sexy actress at non-showbiz husband kinabubuwisitan sa sobrang papansin sa social media!

Naaliw ako sa komento ng isang showbiz celebrity tungkol sa isang sexy actress at sa non-showbiz husband nito na parang pilit na nagpapaka-showbiz.

Masyado na raw kasing ma-public ang couple.

Parang lahat na lang daw ng gawin ng mga ito ay naka-post sa social media.

Actually, may mga nakakausap ako na hindi rin type na lahat na lang halos ng ginagawa ng couple na ‘yon ay nasa kanilang social media accounts!

Too much na raw!

Pero, baka naman ganoon talaga ang gusto nila, so, buhay nila ‘yon, kaya walang puwedeng pumigil sa kanila at ‘yung mga hindi type ang ginagawa nila, i-unfollow na lang sila!

Ako nga, I don’t follow them dahil “flooder” sila sa rami ng kanilang mga pino-post, ‘noh?!

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with