^

Pang Movies

Balikang Dayanara at Aga wala nang pag-asa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Balikang Dayanara at Aga wala nang pag-asa
Dayanara, Aga

Si Dayanara Torres, ang dating Miss Universe na naging isa ring aktres dito sa ating bansa ay mag-aasawa nang muli. Sinasabing siya ay engaged na ngayon kay Louise D’Esposito, isang Hollywood film producer at isa sa mga kasosyo sa Marvel Comics.

Kung natatandaan ninyo, ipinagkaloob na kay Dayanara ang divorce sa kanyang naunang asawa, ang singer na si Marc Anthony noon pang 2004. Inabot din ng labing apat na taon bago muling na-in love at sinasabing nakahanda nang magpakasal ulit si Dayanara.

Habang siya ay nasa Pilipinas, naging girlfriend din siya ng actor na si Aga Muhlach, at ang kanilang relasyon ay tumagal din nang apat na taon. Noon nabalita na ring nagplano silang magpakasal, nakahanda raw na tumira na sa Pilipinas si Dayanara. In fact, may sinasabi pa noong nagpapatayo na ng bahay si Aga para sa kanilang dalawa. Pero walang anumang paliwanag, umalis si Dayanara. Nalaman na lang na nag-break na sila. Umuwi si Dayanara sa Puerto Rico at makalipas ang ilang taon ay nabalita ngang nagpakasal na sa kanyang unang asawa.

Nagbalik pa si Danayara sa Pilipinas nang huling idaos dito sa atin ang Miss Universe, at nabalita noon na nagkaroon ng negosasyon para muli silang gumawa ng pelikula ni Aga. Wala namang sinasabing problema kanino man sa kanila ni Aga, pero natagalan din naman ang mga producer noon sa pag-aayos ng kanilang material hanggang sa magbalik na si Dayanara sa US at nagsabing babalik na lang siya kapag okay na ang project.

Nang umalis siya at nagsabing magbabalik na lang, marami na ang humulang wala na nga siguro ang project na iyon. Pero kung nagbalik lang sana siya, marami ang humuhulang mabubuhay na muli ang career niya sa local movies at maging sa telebisyon.

Adopted son ni Amalia, inatake sa US patay!

Isa na namang malungkot na balita, hindi naman siya artista pero related siya sa isang malaking artista. Si Gerard Stevens, ang adopted son nina Amalia Fuentes at ng kanyang dating asawang si Joey Stevens ay inatake sa puso at namatay noong Lunes nang madaling araw sa San Francisco, California kung saan siya naninirahan kasama ang kanyang pamilya.

Ang nakakagulat, siya ay 35 years old lang.

Ewan kung nasabi na nila kay Amalia ang nangyari sa kanyang adopted son, kasi nasa isang kalagayan din naman siyang hindi maganda. Alam naman natin na na-stroke din ang aktres at simula noon ay hindi pa siya nakaka-recover nang husto.

Nabalita naman iyan mula sa social media account ni A­l­yanna Martinez.

Jao artista pa rin kahit teacher na

Siyanga pala, dahil sa lumabas na ID ni Jao Mapa kung saan nakalagay na isa na siyang art teacher sa Canadian American School, may isang entertainment website na nagsabing nag-quit na siya sa showbusiness dahil sa dati niyang trabaho. Mali iyon sabi ni Jao, dahil ni hindi niya inisip na mag-quit bilang isang actor. In fact, may tatlo siyang pelikulang nagawa na, at balak pa nga niyang mag-direk ng sarili niyang pelikula by next year.

Bukod pa iyan sa ginagawa niyang pagpipinta at p­aghahanda sa kanyang first solo exhibit.

Mayroon lang talagang mabibilis gumawa ng speculations.

Basta, artista pa rin si Jao.

vuukle comment

DAYANARA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with