^

Pang Movies

Julie Anne at Benjamin tahimik sa hiwalayan

Nitz Miralles - Pang-masa
Julie Anne at Benjamin tahimik sa hiwalayan
Julie Anne San Jose

MANILA, Philippines — Agad nahulaan ng nakabasa ng post ni Julie Anne San Jose sa Instagram na “Thank u, next” na may kinalaman ito sa love life niya. Ang paniwala ng marami, break na sila ni Benjamin Alves dahil ang “thank u, next” ay title ng song ni Ariana Grande tungkol sa ex niya, sa break up at moving on.

Isa pang nakikitang patunay na break na sina Julie at Benjamin ay ang pagpapagupit ni Julie. May kasabihan kasi na pag break ang isang babae ay nagpapagupit ng buhok.

Nababasa rin sa IG ni Julie ang reaction ng mga kasama niya sa Sunday PinaSaya. Parang alam nina Marian Rivera, Valeen Montenegro, Lovely Abella at Barbie Forteza ang pinagdadaanan ni Julie.

Hindi deretsong inamin nina Julie at Benjamin ang relasyon nila na more than two years din yata tumagal, kaya ‘wag tayong mag-expect na aamin sila na break na sila.

Si Benjamin apektado sa pagkamatay ng ama. Deleted ang post niya sa IG at walang itinira na pictures. Photo rin ng ama ang ginamit na DP, pinalitan ang picture niya.

Sana, para sa fans na lang nila, magsalita sina Julie at Benjamin.

Janine mami-miss ang friendship kay Alden

Bukas na ang last taping ni Janine Gutierrez sa Victor Magtanggol. Ang iba sa cast, sa Friday pa ang last taping nila. Kinuwento ni Janine kung ano ang mangyayari sa karakter niyang si Gwen Regalado pero, bawal isulat para hindi ma-preempt ang viewers.

Nalulungkot si Janine na matatapos na ang Victor Magtanggol dahil mami-miss niya ang mga kasama at ang friendship na nabuo. Pero, masaya na rin siya dahil sa feedback ng tao sa show. Kung may bashers man, mas marami pa rin ang nagkagusto.

Samantala, sa Los Angeles magpapasko sina Janine at mga kapatid with her dad Ramon Christopher. After ng wedding ng mom niyang si Lotlot de Leon sa December 17. One week sila sa LA, for her dad naman ang time nilang magkakapatid after spending one week with their mom. Before New Year ang balik nila para rito mag-New Year.

Marian ‘di pa pinakikita ni Vice

Nakakatawa ang teaser ng MMFF (Metro Manila Film Festival) entry ng Viva Films at Star Cinema na Fantastica lalo na ang mga eksena ni Vice Ganda kasama sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at Jaclyn Jose.

May dialogue na sinabi ni Dingdong na Kapuso siya at sumagot si Jaclyn na Kapuso rin siya.

Pinakakuwela ang sagot ni Richard na Kapuso siya, naging Kapatid at ngayon Kapamilya na. Tiyak magtatawanan ang moviegoers sa eksena lalo na ang updated sa network war ng ABS-CBN at GMA-7.

Nabanggit ni Marian Rivera na nag-guest siya sa Fantastica, pero hindi ipinakita ang eksena niya.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with