^

Pang Movies

Ilang fans ni Maine tutol sa relasyon nila ni Arjo!

Vir Gonzales - Pang-masa
Ilang fans ni Maine tutol sa relasyon nila ni Arjo!
Maine Mendoza, Arjo Atayde

MANILA, Philippines — Hindi kaya maapektuhan ang pelikula nina Maine Mendoza at Coco Martin dahil sa kumakalat ngayong sina Maine at aktor na si Arjo Atayde raw ay nagkakamabutihan?

Matapos ang balitang lumabas noon na spotted ang dalawa sa isang restaurant sa Makati, naging sunud-sunod na rin ang mga litratong kumalat na magkasama sila palagi at magka-date. Magka-partner pa sila sa nakaraang Halloween party at balitang enjoy na enjoy raw ang dalaga.

Ang latest namang usap-usapan ay magkasama ang dalawa sa Bali, Indonesia bilang celebration ng kaarawan ni Arjo at sa isang concert.

Nagwawala naman ang ilang fans nina Maine at Alden Richards dahil tutol sila sa binata.

Magkakasama sina Maine, Arjo, Coco at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jak Em Popoy: The Puliscredibles na nakatakdang ipalabas sa araw ng Pasko.

Shooting nina Sharon at Goma sa Ormoc, nakatulong sa kanyang kandidatura

Malaking bagay ang muling pagtatambal nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Megastar Sharon Cuneta para sa kanilang fans. Matapos kasi ang 15 taon ay ngayon lang ulit sila nagkasama.

Marami ang nanabik na makita silang muli sa big screen kaya naman inaabangan na ng lahat ang kanilang pelikulang Three Words To Forever kung saan kabilang din si Kathryn Bernardo.

Sa Ormoc City kinunan ang kabuuan ng nasabing pelikula at masasabing makakatulong ito lalo sa kandidatura ni Goma. Laking tuwa rin ng mga tiga-Ormoc dahil hindi na nila kailangan pang lumuwas ng Manila para lang masilayan si Sharon at Kathryn.

Sweet na sweet pa rin sila sa isa’t isa at panay pa ang post ni Sharon sa kanyang Instagram ng mga pictures at videos nila habang nagkukulitan.

Hindi kaya nagseselos sina Lucy at Kiko rito?

Alonzo ‘di nabibigyan ng project?!

May hinaing ang ama ni Niño Muhlach na si Alex Muhlach sa Viva Artist Agency tungkol sa pagkuha nito sa kanyang apo na si Alonzo Muhlach. Bakit daw kinontrata ito pero wala namang binibigay na project?

Kung tutuusin napakaraming palabas ngayon sa TV at pelikula na puro bata ang bida, pero bakit parang kahit isa ay hindi na nag-a-appear si Alonzo?

Sayang very talented pa naman ang bata. Baka magbinata lang si Alonzo, wala pa rin itong trabaho.

Kung minsan kasi nagkakaproblema rin sa pagpirma ng kontrata. Nabibilanggo lang sa isang matamis na pangako pero hindi naman makakaalis agad dahil ma­dedemanda ka.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to November born stars: Robin Padilla, Alvin Patrimonio, Zandro Zamora, Dianne Medina, Albert Antigo at Tita Mids Syguion Reyna.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with