^

Pang Movies

Coronation ng Queen of QC dinagsa!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Coronation ng Queen of QC dinagsa!

Full-packed ang UP Theater Villamor Hall sa UP Diliman, Quezon City sa ginanap na grand coronation night ng Queen of Quezon City 2018 noong Sabado ng gabi. Maganda ang ginawa ng QC Pride Council, na binigyan ng kani-kanilang lugar ang mga kabarangay ng 23 official candidates ng LGBT beauty pageant.

Mga host ng gabi sina 2002 Binibining Pilipinas Karen Agustin at TV host Paolo Bediones.

Mabilis ang presentation ng 23 candidates representing each barangay. Sumunod ang pagrampa ng bawat candidate na suot ang creative costumes na gamit nila ang mga paru-paro (butterflies) sa mga suot nila. Nanalo ng Best in Creative Costume si Pamz Diaz ng Brgy. Gulod.

Sumunod na inirampa nila ang one piece swimsuit na winner naman ng Best in Swimsuit si Casey Banes Paculan ng Brgy. Pinyahan. Nanalo rin siya ng WEMSAP (Web Marketers Specialists Association of the Philippines) Choice Award ng Best in Long Gown, Miss Photogenic, Simply G Award at Darling of the Press, presented by columnist Jun Nardo.

Ang iba pang special awards winners: Above Sea Level, Naomi Fontanes ng Brgy. UP Village. Siya rin ang nanalo ng Best in Talent; Miss Friendship si Samantha Garcia ng Brgy. Bagong Silang; Queen of Social Media si Louise Manalo ng Brgy. San Roque.

At ang mga nanalo: 2018 Queen of Quezon City si Casey Banes Paculan; Lady Pride Rami Hannash; Lady Respect Pamz Diaz at Lady Equality Glen Antolin ng Brgy. Sta. Monica .

Ang 2018 Queen of Quezon City ay tumanggap ng 300 thousand cash prize, a wardrobe worth 200 thousand at ang tatlo niyang runners-up ay tumanggap ng 100 thousand cash each and crown. Lahat din ng nanalo ng special awards ay tumanggap ng corresponding cash prizes.

Pagtatapos ng VM marami pang dapat abangan!

Simula na ng grand finale week ng Victor Magtanggol ngayong Monday, November 12.  Pero hindi pa rin tapos ang taping ng cast dahil ayon kay Eric Quizon na isa sa cast ng action-drama-fantasy series, may taping sila ngayong Monday, sa Wednesday, at even sa finale day nila sa Friday, may taping pa rin sila, iyong iti-tape raw nila sa umaga ay siyang ipalalabas sa gabi.

Dagdag pa ni Eric, marami raw silang pasabog tulad ng mga action scenes ni Alden Richards na tiyak na hahangaan. At sa pagtatapos nila, iyong mga gusto ninyong malaman at makita muli, like ang pagbalik ni Modi (Pancho Magno) na tutulong kay Hammerman at haharapin na nila si Loki (John Estrada). Ang hinihiling din na pagbabalik ng side-kick ni Sif (Andrea Torres) na si Ratty ay isosoli na sa kanya kasama ang mahiwaga niyang golden hair.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood ang Victor Magtanggol after ng 24 Oras sa GMA 7.

Samantala, nagpasalamat naman ang Team Sunday PinaSaya sa boss nilang si Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment sa isang thanksgiving dinner na ibinigay nito sa buong cast at production staff dahil sa pagiging consistent winner ng show sa rating games.

vuukle comment

QUEEN OF QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with