^

Pang Movies

Enzo Almario maraming natutunan sa mga pinagdaanan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sayang at hindi naagaw ni Enzo Almario ang gintong mikropono sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, hosted by Vice Ganda sa Kapamilya network. Ganunpaman, malaking oportunidad ito sa former child actor at member ng singing trio na Sugar Pop. Matagal na rin na panahon nang mawala siya sa limelight, si Enzo na napakaga­ling kumanta at bata pa ay talagang maganda ang boses. Natatandaan ko pa ang pangalan pa niya noon ay Renzo Almario, taga-Sta. Rosa, Laguna.

 

Ang GMA 7 ang may alaga sa Sugar Pop, ang mga miyembro ay sina Rita de Guzman, Julie Anne San Jose, Vanessa Rangdhol, Pocholo Bismonte at Renzo Almario. Noong kasikatan pa ng kanilang grupo, super cute pa nila dahil mga bata pa sila, at ngayon nga super gulat ako kay Enzo dahil ibang iba na ang hitsura niya.

Sana itong muling appearance niya sa Showtime ay simula na ulit ng paglaki ng kanyang pangalan.

Aminado si Enzo na siya ay nabibilang sa federasyon ng mga binabae, like Vice Ganda na sobrang tuwang-tuwa sa kanya.

‘Di man niya natalo ang depending champion, masaya pa rin siya dahil magiging visible na ulet siya sa mga musical events.

Naging judgemental daw noon si Enzo at inaway ang mga taong mas mababa sa kanya. Natauhan daw siya sa mga ginawa nang pakiramdam niya ay kinakarma na siya.

Tinapos niya ang kanyang pag-aaral at kinalimutan na ang mga nangyari.

Tama yan Enzo, lalong pagpapalain ng Diyos ang mapagpakumbabang tao. 

Wendell aamin na sa kasalanan

Sa nakaraan sa seryeng Onanay, aaminin na ni Wendell Ramos na siya ang rapist ni Jo Berry na gumaganap na Onay at ang naging anak nila ay si Mikee Quintos. Teka, akala ko si Neil Sese ang nang-rape?

Maliit na tao sa tunay na buhay si Jo Berry, kaya ask ng mga tsufatid, kung sa tunay na buhay daw ba makakapasok si pare kay mare? Posible! Kaso ang writer ng series ang umiikot ang isip eh, at para sa ikagaganda ng story, huwag nating pakialaman, ayaw ni Nora Aunor!

Ruby gustong gayahin ang inang si Bella Flores

Gusto kong batiin si Ruby Arcilla, ang masipag na staff ni Imelda Papin dahil sa nagbunga ang kanyang hangarin na sundan ang yapak ng yumaong ina na si Bella Flores na isang magaling na actress-kontrabida sa pelikula.

Sayang naman kung hindi siya mabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanyang talento sa akting, sampu ng kanyang kagandahan.

Ilang TV-show sa GMA-7 ang nilabasan na niya. Mga nasa line of 30 plus na si Ruby pero young looking pa rin. Puwedeng-puwede pa makipagsabayan dahil may K naman si Ruby sa aktingan at meron ding face value.      

 

vuukle comment

ENZO ALMARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with