^

Pang Movies

Sey ni Gary ilang bashers ni Regine may mental problem na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Isa rin si Gary Valenciano sa masaya ngayong Kapamilya na si Regine Velaquez at makakasama pa niya sa ASAP. Ayon kay Mr. Pure Energy nang makausap namin sa mall tour ng kanyang album na Awit at Laro held at Cloverleaf Mall last Friday, lagi naman daw niyang nakakasama ang Asia’s Songbird sa mga concerts, but the thing is, hindi ito pwedeng i-televise dahil nga magkaiba sila ng home network dati.

 

“Nag-guest ako sa mga concerts ni Regine, but it’s never been televised. Hindi kasi pwede, eh. Pati major concerts ko, siya naging guest, pero hindi pwede and we have to respect that.

“Pero now, it’s a different thing. So now, we can experiment, we can record together, and I don’t have to worry because I know, kung magpo-promo ako, at least, kasama ko si Regine, makikita rin siya.

“And I really think that at this point in time, being with ABS-CBN which is seen everywhere in the world, it’s a good vehicle for her para lalo pa siyang makita’t makikilala sa buong mundo, hindi lang sa Filipino, pero in the whole world, in general.

“I’m happy that she’s with us. And kung ang mga ideas natin eh ganito karami, now, with her in it, parang almost the sky’s the limit. ‘Yung mga numbers niya with the new artists, numbers niya with the seasoned artist, numbers niya on her own, it’s gonna be great, I think it’s gonna be great,” pahayag ni Gary.

‘Yung pangba-bash na pinagdaanan ni Regine, ani Gary ay hindi talaga maiiwasang may mga basher pero ‘yung mga taong dinadamay na pati ang anak ni Songbird na si Nate, iba na raw ‘yun at may mental problem na raw ang mga ganu’n.

“When I read those kinds of bashing, hindi na normal, eh. There’s something wrong with that person,” aniya.

Pero may mga valid bashers din naman daw na tinatawag na kung baga ay na-shock at nasaktan lang sa biglang pag-alis ni Regine sa GMA 7 lalo na ‘yung mga loyal Kapuso nitong fans.

Samantala, ang Awit at Laro album ay nagsisilbing grand comeback ni Mr. Pure Energy sa recording scene dahil halos tatlong taon itong binuno at ito rin ang pinakamalaking recording ni Gary V.

Ang nasabing album ay naglalaman ng 20 tradisyonal na mga Pilipinong larong pambata at mga folk songs at hindi lang si Gary ang maririnig dito kungdi pati na rin ang iba pa nating artists tulad nina Jona, Yeng Constantino, Janella Salvador, Sam Concepcion, Anne Curtis, Gloc-9, Lea Salonga, TNT Boys, among others.

Ang Awit at Laro ay bahagi rin ng selebrasyon ng ika-35th na taon ni Gary sa industriya, sa bagong buhay na ipinagkaloob sa kanya, at sa ika-70thtaon ng UNICEF sa Pilipinas.

Sheena pumalag sa bintang na bad influence kay Maine!

Sinagot ni Sheena Halili ang mga basher na nagsasabing nakilala lang ng aktres si Maine Mendoza ay lagi na rin ito sa bar at naimpluwensiyahan na raw ng makamundong buhay.

Nag-post si Sheena ng sexy photo niya na naka-swimsuit siya at inulan both ng positive and negative comments ang nasabing post. 

Ayon sa isang basher, “I know you are a Christian Sheena, What happened to you? After meeting @mainedcm lagi ka na rin sa bar, why did you let her influenced you and not you to influence her to be a good servant of God., bakit sunud-sunuran ka sa kanyang maka mundong buhay., a bit disapointed here. I hope you open your eyes and go back to the Lord.”

May nagsabi namang kapag kasama raw ni Sheena si Maine, ang huli ang laging nasasangkot sa gulo at nasisira raw ang pangalan ng Dubsmash Queen.

Bumuwelta si Sheena sa mga bashers at narito ang kanyang sagot:

“Nababasa ko ang lahat ng comments ninyo. Pero eto sasagutin ko.

“Ang totoong Christian hindi Judgemental, may puso, respeto sa kapwa., hindi nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng kapwa, hindi selfish. Mapang-unawa. Mapag-mahal! Hindi nananakit ng kapwa. Hindi nagsasalita ng masama. Siguro sa ating dalawa- ako un,hindi ikaw.

“AT ang pagiging Christian hindi nababase sa social media. Nasa Puso yun. Wala ako dapat iprove sayo dahil ako naman ang haharap kay Lord at siya lang din nakaka-alam ng puso ko. Mahal na mahal ako ng mga taong nakapalibot sa akin (bakit kaya?)

“At ang pagiging Christian hindi sinabi ng Diyos na maging perpekto ka. Bawal lumabas, at bawal makihalubilo sa hindi Kristyano, Mahal niya ako. kahit ano at sino ako. Hindi parin ako tapos sa walk ko sa life kaya palagi akong may chance  maayos ang buhay ko.

“Wala akong tinatapakan. Ang alam ko bawal po ang self righteous. Mahal ko mga kaibigan ko at pamilya ko kahit sino at ano pa sila. Alam niyo sa totoo lang nakakalungkot kasi maraming hindi Christian pero napaka laki ng puso. Hindi sila nanghuhusga. Kahit masama yung tao, minamahal at pinakikinggan nila para palakasin ang loob at para iparamdam na masarap mabuhay.

“Mas pipiliin ni Lord yun kesa sa Christian na puro kasamaan ang napupuna at sarado ang utak/puso.

“Christian parin ako. I know my limitations. Lahat ng ginagawa ko ay may blessing na rin ng Parents ko at ng mapapangasawa ko. I’m 31. Nasa Age na ako bago ko gawin yan. At di ako nagkakalat. Di parin ako nagbabago. May mga bagay lang talaga na wala ako magagawa kaya andyan siya  para sakin/ sa atin.

“I am not perfect tulad ninyo. I pray ate na malaman mo ano ang magpatawad at tumanggap ng iba’t-iba ugali ng tao. Hindi naten sila pagmamay-ari. Goodnight!”

 

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with