^

Pang Movies

Young stars ng isang network nagkakandarapa sa senior actor na bagong lipat

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Ask ko lang Salve A., kung totoo ba na nagkakandarapa ang mga babaeng bagets na maging leading lady ng isang senior actor na bagong lipat lang sa kanilang network?

 

The senior actor is still good-looking, trim and fit, pero tikom ang mga bibig nila sa tanong na ito.

“Ate” raw ang tawag nila sa panganay na anak ng nasabing senior actor at ‘di na gaanong aktibo sa showbiz.

Nakaraan nina Karla at Romnick naungkat!

May sikretong “nahalungkat” sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal tungkol sa kanilang co-host na si Karla Estrada sa Magandang Buhay.

Bigla kasing naungkat ang pagkakaroon ng ugnayan nina Karla at Romnick Sarmeta nang mag-guest ito sa nasabing programa.

“But we were only both 16 then,” pahayag ni Karla.

Karla and Romnick happened to be both “graduates” ng talent program na pinasikat ng yumaong si German Moreno, ang That’s Entertainment.

“Marami kami actually na natulungan ng programa. And for that, grateful kami kay Kuya Germs. Kahit pa nasa kabilang buhay na siya,” ani Karla.

Right now, both Karla and Romnick are loveless.

May “kahapon” kayang magbalik?

Almira biggest break ang pagiging kontrabida

Samantala, mukhang effective naman bilang kontrabida si Romnick sa trending series na Halik nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby.

Mukhang at home siya sa pagpapahirap kay Jericho na gumaganap bilang Lino.

“Actually, as an actor, napakagaling ni Jericho,” pag-amin ni Romnick.

“Kaya, in order na huwag naman niya akong ma-outshine, considering that I’ve been in the business longer than him lalo’t kapag magka-eksena kami, I really prepare for it.”

Kung sabagay, equally competent sa kanilang respective roles din ang iba pa nilang co-stars sa Halik, kabilang na of course sina Cris Villanueva na gumaganap bilang kanyang bestfriend, business associate at tatay ni Sam. Nariyan din sina Amy Austria and Almira Muhlach.

Of Almira, first time niya raw to play an all-out kontrabida, lalo na sa isang TV series. Kung sa bagay, itong Halik daw ang puwede niyang ituring na pinakamagandang break niya as a performer.

“Dati kasi, ang mga roles na na-a-assigned sa akin ay kung hindi miserableng ina, miserableng tiyahin naman.

“Pero, dito sa Halik, as wife to the role played by Cris, I dress up and have myself

Professional make-up artist na ngayon si Almira at siya ang gumagawa ng kanyang own make-up at sa mga co-stars niya sa Halik.

Medyo matagal-tagal na rin siyang hiwalay sa asawa na si Bong Alvarez, dating basketball player. But the two of them daw are in good terms.

Paglaya ni Bong bago mag-Pasko, inaasahan pa rin ng Kapamilya

Umaasa pa rin ang former actress na si Princess Revilla na makakapiling na nila ang kapatid na si former Senator Bong Revilla sa darating na Pasko. Naka-detained pa rin kasi ito sa Custodial Center ng Camp Crame.

“This we, in the family, pray constantly,” ani Princess.

Now engaged in the construction business, princess has not any plans anymore to resume her showbiz career. Although, she is still pretty and fit.

Princess says, her two sons are now college graduates. And both are on their own na rin.

Bagama’t wala pa daw yatang may balak sa dalawa na bigyan siya ng apo.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with