^

Pang Movies

Producer na magbabalik, hindi pangbida ang gagastusan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Maraming natuwa nang umugong ang balita na muling babalik sa film production ang hindi na aktibong kumpanya. Ilang taon din itong namahinga matapos gumawa ng magkakasunod na projects.

 

Mintis nga lang sa takilya ang nakaraan nitong projects kaya nanahimik ng ilang taon. So nu’ng umingay na babalik na ang outfit sa paggawa ng movie, happy-happy ang feeling ng iba lalo na ‘yung nagtatrabaho sa pelikula.

‘Yun nga lang, nang malaman nila kung sino ang gaga­wing bida sa movie, nadismaya sila. Kasi naman, suntok sa buwan na naman ang project kung matutuloy, huh!

Yes, kilala ang bida pero hindi naman ganoon kasikat para maging bankable sa takilya! Hindi naman kasi basehan ang kasikatan sa TV para tangkilikin ng tao sa sinehan, huh!

Ayon sa taga-movie industry, another wrong move ng outfit for a comeback kung matutuloy.

Singer-comedian lumaki agad ang ulo!

Nasilaw agad ang isang baguhang singer-comedian sa konting kasikatan na dumating sa kanya dahil napanood lang siya sa TV.

Ayon sa isang malapit sa singer-comedian, masyado na itong matanong pagdating sa bayad sa kanya sa tuwing may inquiry. Yes, panalo ang boses niya pero hindi naman basehan ‘yon para mag-demand na siya sa press sa kada appearance, huh!

Feeling niya, dapat pag malaki ang kumpanyang gustong kumuha sa kanya, dapat eh, malaki rin ang bayad sa kanya!

Naku, hindi kami magtataka kung dahil sa uga­ling ito ng singer-comedian, mas lamang ang nga­nga ngayong Disyembre kesa masaya, huh!

vuukle comment

SINGER-COMEDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with