^

Pang Movies

Marian mabenta kahit buntis!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian mabenta kahit buntis!
Marian Rivera

Mabenta pa rin bilang endorser si Marian Rivera kahit buntis, huh! Ang ibig lang sabihin eh suwerte ang bagong anak na ipinagbubuntis! Magkakasunod kasi ang pagpirma niya ng endorsements nitong nakaraang linggo. Una sa Maxi Peel at kasunod nito ang Beautederm Home.

Ang bongga pa kay Yan, aba, maintain na maintain pa rin ang ganda niya nu’ng contract signing niya sa Nailandiaspa sa ikaapat na taon. Ang feeling lang niya, lumalaki na rin ang lahat sa katawan niya. Biro namin, pati ba boobs niya lumalaki na rin?

“Oo! Ha! Ha! Ha!” tugon naman ni Yan sa amin.

Hindi naman ipinagkakaila ng owner ng Nailandia Spa na lucky charm nila si Marian. Imagine, as of this date eh may halos 120 branches na ito sa buong bansa!

Of course, hanggang endorsements lang muna ang gagawin ni Marian dahil priority pa rin ang isisilang na anak. Hindi naman niya ipinagkakailang gusto niya ng malaking pamilya dahil nag-iisa siyang anak. “Kaya hanggang kaya pa eh sige lang. Blessing ‘yan mula kay Lord,” rason ni Yan.

Christian matipid sa girlfriend

Ilalabas ni Christian Bables ang kanyang naughty side sa coming Regal movie niyang Recipe For Love. Nagpatawa siya sa biggest acting break niyang Die Beautiful at nagdrama naman sa Chito Roño movie na Signal Rock.

“Mas malapit ang role ko ngayon sa totoong ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Christian sa grand mediacon ng Joey Reyes movie.

Misteryoso kasi ang dating ni Christian mula nang pumutok ang pangalan niya sa showbiz. Wala kasing nababalita sa kanyang personal na buhay.

“May girlfriend ako. Pero ‘yun pa rin dati kong non-showbiz girl,” saad niya pero hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

Pero may wild side din ba siya?

“Lahat naman tayo may wild side. Tayo na lang magkuwentuhan kapag walang ibang tao! Ha! Ha! Ha!” saad ni Christian.

Ruru at Ken, may three-part episode sa Maynila

Paandar ang 20th anniversary ng special ng weekly drama series na Maynila ngayong Sabado. Isang three-part episode na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Ken Chan tungkol sa magkapatid na sinubok ng iba’t ibang problema sa pagdaan ng panahon ang mapapanood.

Ito ang unang pagkakataon na gumawa ng three-part episode ang Maynila kaya pinagbuti nila ito nang todo-todo nang sa gayun eh, ma-hook ang manonood mula sa simula hanggang sa ending nito.

Si Congressman Lito Atienza ng Buhay Partylist ang host ng programa at produced ng anak niyang si Lei Atienza Valdepenas.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with