^

Pang Movies

Necrological service ni Rico, pang-Katoliko!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Necrological service ni Rico, pang-Katoliko!
Rico Puno

Habang ipinapasok ang kabaong ni Rico J. Puno sa main church ng Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati, mula sa kanilang mor­tuary, ay umaawit ang kanyang mga kasamahang sina Hajji Alejandro, Marco Sison, Rey Valera at Nonoy Zuñiga ng pinasikat niyang awiting Kapalaran. Matapos iyon ay nagsimula ang isang necrolo­gical service na ang nanguna ay isang pa­ring Katoliko, si Rev. Fr. Larry Tan, SBD. Nakakagulat na isang pari ang nanguna sa necrological service ganoong alam naman nating lahat na si Rico J ay kabilang sa Iglesia ni Cristo. Siguro ang conflict nga sa Iglesia ay dahil iyon ay gagawin sa loob ng isang simbahang Katoliko.

Hindi naman papayag ang simbahang Katoliko na ang service ng ibang sekta ay gawin sa loob ng kanilang simbahan. Napansin nga din namin na ang mga paring Franciscano na siyang namamahala ng Santuario ay hindi nakilahok, sa halip isang paring mula sa Salesians of Don Bosco ang naroroon.

Hindi rin tinakpan ang altar kung saan naroroon ang imahen ng mga santo. Karaniwan sa mga kasapi ng Iglesia, hinihiling nilang takpan ang anumang mga imahen na may kaugnayan sa pananam­palatayang Katoliko, kahit na sa mga punerarya sila ibinuburol. Kakatuwa rin ang tagpong binendisyunan ng kanyang pamilya, mga kaibigan at iba pa ang bangkay ni Rico gamit ang holy water. Iyan ay karaniwan lamang sa mga Katoliko.

Pero ano man ang naging seremonya, hindi iyan issue. Hindi namin alam pero maaaring isang ministro naman ng INC ang nagsagawa ng huling seremonya habang siya ay nasa City Hall ng Makati kahapon ng umaga hanggang sa dalhin siya noong hapon sa huling hantungan sa Heritage Park.

Hindi pangkaraniwan maging ang ginawang tribute kay Rico, dahil mas maraming bahagi noon ang naging katatawanan. Naniniwala kasi silang iyon ang gusto ni Rico, ang magbigay kasiyahan sa mga tao hanggang sa mga huling sandali.

Mga kaibigan ni Nora nag-aalala sa kanyang pinagdaraanan

Concerned ang Concerned Artists of the Philippines sa muling pagkakaligwak kay Nora Aunor bilang National Artist. Sabi nila, ang pagtatalaga sa isang national artist ay dapat na batay lamang sa kanyang nagawa at hindi sa anumang ibang bagay.

Kung ipipilit iyan, kailangang palitan ang batas. Kung gusto nila iitsa-puwera ang presidential prerogative sa pamimili ng national artist, alisin na rin nila ang paglikha ng isang presidential proclamation para sila italaga. Alisin na nila iyan sa Office of the President. Gawin na lang nilang award mula sa CCP at NCCA (National Commission for Culture and the Arts). Ganoon pa man hindi pa rin lubusang mawawala ang presidential prerogative dahil ang chairman ng NCCA, at mga namumuno ng CCP ay puro presidential appointees. Ang pondo nila ay nagmumula rin sa Office of the President.

Saan nila kukunin ang ibibigay nilang sustento sa mga national artists at iba pang benepisyo nila kung aalisin nila sa office of the president? Kaya ba nila?

Pagkakaospital ng aktor mabilis na-embargo!

May kumalat na tsismis noong isang araw tungkol sa isang young actor. Pero matindi ang mabilis na naideklarang “embargo”. Walang record pati sa admission ng ospital.

Hindi mo naman maaaring kuwestiyunin ang ospital, lalo na’t private dahil sa karapatan ng pasyente sa privacy.

Hindi naman kasi isang government hospital iyon, na kailangang naging bukas sa media ang blotter. Pero kukunin pa rin namin ang detalye at kung mayroon man, hindi namin itatago iyan sa inyo.

vuukle comment

RICO J. PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with