^

Pang Movies

Maine mas na-enjoy ang pagpapatawa, aminadong hirap sa iyakan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine mas na-enjoy ang pagpapatawa, aminadong hirap sa iyakan
Maine Mendoza

Inamin ni phenomenal star Maine Mendoza sa mga bumisita sa taping na at home na siya sa sitcom at ini-enjoy niya ang mga kasama niya sa Daddy’s Gurl na sina Bossing Vic Sotto, Wally Bayola, Benjie Paras, Oyo Sotto, Chichirita, Jelson Bay, Chamyto at Kevin Santos na pare-parehong mahuhusay magpatawa.

“Naranasan ko na rin po gumawa ng mga teleserye, at talagang nahirapan po ako sa iyakan,” sabi ni Maine. “Dito po kasi, less ang pressure, masaya lagi, at mahuhusay po itong mga kasama ko na magpatawa.”

Nagpasalamat daw siya kay Bossing Vic na siyang nakaisip na bigyan naman siya ng sitcom. Nakikita raw siguro nito na enjoy siya sa mga ginagawang nilang pagdyu-joke nina Jose Manalo, Wally at Paolo Ballesteros sa segment nila sa Juan For All All For Juan sa Eat Bulaga.

Hindi ba nahirapan si Maine na magsalita na may puntong Batangueño dahil supposedly ay taga-Batangas sila.

Na-challenged din si Maine noong una kung paano niya itrato si Vic bilang ama niya sa sitcom na may pagka-conservative pero siya naman ay millennial. Pero dahil comfortable na siya kay Bossing dahil iyong kanilang movie for the Metro Manila Film Festival, ang Jack Em Popoy: The Pulisincredibles, ay pang-apat na nila bilang mag-ama.

Puring-puri naman si Maine ng mga kasama niya sa cast, bukod sa masayahin daw si Maine, kitang she’s a natural sa comedy. Mabait si Maine at kung minsan daw na nahihiya silang batiin, ito pa raw ang nauunang bumati sa kanila.

Nagpasalamat din si Maine at ang mga kasama niya sa mga televiewer na sa loob ng four episodes na nila since October 13, and every Saturday, after ng Pepito Manaloto, lagi silang panalo sa rating game at laging nagti-trending sa Twitter, nationwide and worldwide.

Kevin ‘di maiwan ang pag-arte kahit piloto na

Biniro namin si Kevin Santos kung sanay na siyang gumanap ng beki roles sa mga project niya. Simula raw nang gumanap siyang beki sa My Husband’s Lover, wala siyang problema sa pagtanggap ng mga ganitong role tulad ngayon sa Daddy’s Gurl.

“Dahil malaki ako, mga kaibigan ko sa Tondo na beki ang tinanong ko kung paano ako dapat kumilos at itinuro nila na basta gawin ko lang kung ano ang role, huwag akong maging conscious para lumabas na natural lamang,” sagot ni Kevin.

Isa nang certified pilot si Kevin pero hindi pa rin niya maiwan ang showbiz dahil in-enjoy niya ang roles na ginagampanan niya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with