^

Pang Movies

Imelda naging health conscious na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Imelda naging health conscious na
Imelda Papin

Ang pangulo ng Actors Guild of the Philippines na si Imelda Papin ang binansagang Jukebox Queen sa bansa, habang ang yumaong si Rico J. Puno naman ang Jukebox King.

Noong namamayagpag sila sa larangan ng musikang Pilipino, bukod tanging mga kanta nila ang maririnig sa radyo, sa mga special event, sa mga kasal, mga lamay, at sa mga amateur singing contest.

Sino ba naman ang hindi iiyak at kikilabutan kapag narinig mo na ang mga kantang Lupa, Macho Guwapito, Isang Linggong Pag-Ibig, Bakit, Kung Liligaya Ka at marami pang iba.

Kung si Rico ay pumanaw na kamakailan lang, nandiyan pa naman si Imelda at very active, hindi na nga lang sa pagkanta kung hindi sa pagtulong sa mga kasamahan sa industriya ng pelikula. Tumutulong siya sa mga taga-movie, TV, entertainment at specially sa mga may sakit. Bukod dito, endorser na rin siya ngayon ng isang health product na magpapabuti sa kalusugan ng tao. Ang ImuRegen, na clinically tested para sa mga bata at matatanda. Makakatulong ito sa paglakas ng katawan, isip, dagdag talino at bawas kalimot naman para sa mga oldies.

Isa itong tabletas na mayroong Imunplus, tinutunaw ito sa tubig bago inumin.

It contains Fulvic Minerals for good sleep and better blood circulation. Nagbibigay din ito ng good stamina at Ph balance.

Palagay ko marami ang maitutulong nito sa atin, lalo na sa mga taong may karamdaman, basta’t uminom lang po tayo ng ImuRegen.

Ang magandang Head ng Forever Healthy Products, Inc. ang mag-a-advice sa inyo, si Dra. Susan Barlin.

Nakatakda na at nag-file na rin ng kanyang kandidatura sa Comelec si Imelda bilang Vice Governor ng Camarines Sur.

Gusto niyang mas malawak ang pagtulong sa mga kababayan niya sa Albay Bicol. Ang singer na magayon at uragon! Goodluck Manay! Basta maganda ang hangarin ng tao tiyak panalo!

Cesar enjoy uli sa pagiging binata!

Huwag na lang pagpiyestahan ng kung anu-anong bad words si Cecar Montano about dun sa isyung nag-viral sa internet na may hubad na girl sa likuran niya habang nagla-live greetings sa isang kagawad.

Well, lalaki naman siya at walang asawa, ika nga, banat nang banat while the iron is hot! Bata pa si Cecar, at tumatayo pa. Hindi naman puwedeng sa tsufatid niya isaksak at lalong hindi pwedeng ikaskas sa pader at baka mapudpod! K lang yan Cecar, Enjoy! Kasi pag damatan (matanda) ka na di mo na yan magagamit kahit magtutuwad ka hehe! Enjoy lang Buboy. thumbs up!

vuukle comment

IMELDA PAPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with