^

Pang Movies

Sharon pini-pressure magka-blockbuster movie

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon pini-pressure magka-blockbuster movie

May pelikula na namang ilalabas si Sharon Cuneta sometime this month, at sinasabi nga ng maraming observers, dapat this time ay makapag-rehistro ang Megastar ng isang blockbuster hit para mas maging matibay ang kanyang showbiz standings.

Matagal din naman kasing hindi halos kumikilos ang kanyang career dahil iba ang kanyang priorities, tapos tumaba nga siya nang husto na siyang dahilan kung bakit matagal din siyang nawala sa TV at pelikula. Noong gumawa siya ng isang comeback movie, isa namang indie. Kahit na indie, pinag-usapan dahil first time niyang gumawa ulit ng pelikula. Pero sad to say, hindi siya nanalo ng award para sa pelikulang iyon kagaya ng kanilang inaasahan. Ang naging kapalaran din ng pelikulang ay kagaya ng ibang indie films na lumuha sa takilya.

Nagbalik siya sa isang mainstream na kasama si Robin Padilla, na siyang leading man niya sa kanyang box office record holding film noong araw, pero maging ang pelikulang iyon at tinawag lamang na “mild hit”. Kaya nga naninibago ang mga tao sa industriya kay Sharon na noong kanyang panahon ay sumisira sa mga box office record.

Maraming mga bagay na nakaapekto sa popularidad ni Sharon. Una na nga ang naging matagal niyang absence. Hindi rin maikakaila na naapektuhan siya dahil sa kanyang political affiliations. Hindi naman maikakailang may epekto iyon. Noong nagsisimula siya, napakataas nang inaasahan sa kanya dahil anak siya ng popular na si Mayor Pablo Cuneta.

Siguro isang bagay nga rin na hindi siya masyadong visible kagaya noong araw, na ang lahat ng kanyang mga performances at publisidad ay planado. Ngayon siya ang bumabakbak ng sarili niyang publisidad gamit lamang ang social media platform.

Pero ano man ang sabihin, kailangan nga sigurong makagawa na siya ng isang malaking hit this time, dahil kung hindi baka magtuluy-tuloy na iyan.

Sunshine conservative sa loob ng bahay

Masarap ka-chikahan si Sunshine Cruz. Iyon bang usapang kahit na sabihin mong seryoso ay parang biruan lamang. Iyong mga usapang tungkol sa mga sariling opinion at tungkol sa personal na buhay lamang. Hindi naman natin maikakaila na kahit na noong araw, medyo sexy nga ang image ni Sunshine, dahil sexy naman talaga siya. Pero sa tunay na buhay, conservative ang kanyang pananaw.

“Iyong sexy outfit sa mga pelikula at TV shows lang iyan. Pero sa bahay, mas gusto ko pa rin ang conservative clothing kasi mas relaxed ako doon, at iyon nakasanayan namin sa bahay,” sabi ni Sunshine.

Ibig sabihin hindi ninyo maaasahang makitang sexy si Sunshine kung nasa bahay siya, at definitely hindi siya maglalakad nang nakahubad sa loob ng bahay niya.

Matinee Idol at poging ‘kaibigan’ ‘di nahihiyang maghawakan sa coffee shop

Napatagal ang aming pakikipagkuwentuhan noong isang gabi sa isang upscale na coffee shop sa Makati. Nakita tuloy namin ang late na pagdating sa coffee shop ng isang matinee idol, na may kasamang isang poging kaibigan niya na hindi naman taga-showbiz. Hindi namin kilala ang kasama. Napansin lang namin mukhang seryoso ang kanilang usapan at paminsan-minsan hindi nila maiwasan ang mag-holding hands.

Hindi naman nila itinatago iyon dahil nagho-holding hands sila na ang mga kamay ay nasa ibabaw ng mesa.

Talaga ngang masasabi mo na “change has arrived”.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with