Regine nakapag-sulat ng mga kanta dahil sa ‘depression’
Maraming nagulat sa rebelasyon ni Regine Velasquez-Alcasid sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda sa pinagdaanan niyang depression. Ganunpaman, hanga pa rin ang marami kung paano niya nalampasan ang lahat ng kanyang mga problema.
Touching ang nasabing episode dahil maraming natutunan ang viewers sa mga hugot at samu’t saring kuwento ni Regine.
Nakakakilig din ang love story nila ni Ogie Alcasid na isinalaysay niya sa harap ng audience at ni Vice.
Lalo pang naging perfect ang segment nang magkantahan portion na sila at marinig ang makapanindig balahibong boses ni Songbird.
In fairness, hindi halata sa aura ni Songbird na dumaan siya sa depression, sa mga kantang isinusulat niya raw kasi inilalabas ang lahat ng sama ng loob niya.
- Latest