^

Pang Movies

Jessica pasok sa Idol Philippines?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Jessica pasok sa Idol Philippines?!
Jessica Sanchez

Ang announcement kahapon ng Stages Ta­lents na sila na ang official manager ng American Idol runner-up na si Jessica Sanchez.

Marami kasing mga naglalabasang booking agent daw ni Jessica, pero ngayon nga, tanging si Carlo Orosa ng Stages Talents ang kailangang kausapin kapag gustong kunin ang serbisyo ni Jessica rito sa Philippine territory at Southeast Asia.

Magiging busy nga raw si Jessica sa ating bansa dahil kari-release lang ng kanyang Christmas song under Universal Records na isang collaboration with Christian Bautista, ang Another Silent Christmas.

May mga nagdududa nga pala na magiging parte ng Idol Philippines ng ABS-CBN si Jessica kaya kumuha na siya ng management team dito, pero hindi naman ‘yon napag-usapan sa announcement ng Stages Talents.

Duda pa lang naman ‘yon dahil sa first quarter of 2019 ay sisimulan na ng Kapamilya network ang show na ‘yon.

Samantala, sinabi nga pala ni Jessica na dahil mapapadala na siya sa Philippines, ita-try raw niyang ma-improve na ang kanyang Tagalog.

Hindi masyadong nakakapag-Tagalog si Jessica, pero nakakaintindi naman siya ng ating salita.

Christian lilipad na pa-Bali, handa na sa kasal

Speaking of Christian, nag-attend din siya sa press launch ni Jessica bilang Stages Talents newest artist.

Si Christian ang isa sa talent ng nasabing management team na matagal na roon, kaya dapat lang na nandoroon siya para i-welcome si Jessica.

Nag-duet din ang dalawa.

Nakatsikahan ko rin si Christian at kinumusta kung kailan ang alis niya pa-Bali, Indonesia dahil this month na nga ang kasal nila ni Kat Ramnani.

Ang sabi ng singer/actor, by next week.

Wala namang magiging problema sa taping niya ng Pamilya Roces, ang primetime drama-comedy series niya sa GMA-7 ang tungkol sa pagpunta niya sa Bali dahil noon pa naman niya napagpaalam ang tungkol doon.

Samantala, nanood pala si Christian ng live streaming ng Regine at the Movies presscon ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Sabi ni Christian, nang matindi raw ang pamba-bash kay Regine sa social media ay nag-text siya sa kasamahan sa The Clash at kinumusta niya ang misis ni Ogie Alcasid at nagsabi naman daw ito sa kanya na okey lang ito.

Isa si Christian sa mga hindi sang-ayon sa pamba-bash kay Regine dahil mabait daw na tao ang Asia’s Songbird!

Megan ayaw magpa-video dahil sa singaw

Sa CosmoSkin event noong Sunday sa SM Megamall ay nag-request si Megan Young na huwag siyang i-video habang iniinterbyu.

May singaw kasi siya sa labi at halata ‘yon.

Actually, parang hindi comfortable si Megan dahil nasasaktan ito sa kanyang singaw.

Pero just the same, nagpa-interbyu naman siya sa mga entertainment press na naimbitahan nina Niño Bautista at Red Gatus sa event na ‘yon.

Kahit sa mga fan, nagpa-picture naman si Megan after ng CosmoSkin event.

Nang makatsikahan ko nga si Megan, napagkuwentuhan pa namin ang kanyang parents at based na raw ang mga ito sa Connecticut, USA.

vuukle comment

JESSICA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with