^

Pang Movies

Calvin hinihintay kung makakasama sa movie ni Vice

Vir Gonzales - Pang-masa
Calvin hinihintay kung makakasama sa movie ni Vice
Vice Ganda

MANILA, Philippines — May maitutulong kaya sa entry ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya ang paglantad ng ‘relasyon’ nila ng basketball player na si Calvin Abueva?

Dapat kina Richard Gutierrez o Dingdong Dantes siya gu­magawa ng pakulo dahil sila ang leading men niya, pero, well totoong ‘pagmamahal’ na nga siguro ang natagpuan ni Vice sa piling ni Calvin.

Sana ay maging successful din ang kanyang pelikula, katulad ng kanyang lovelife.

Eddie binuhay ni Coco!

Grabe raw ang milagrong nagaganap sa FPJ’s Ang Pro­binsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang Cardo. Paano ba naman daw kasi, ‘yung inakala nilang patay na, si Don Emilio na ginagampanan ni Eddie Garcia ay buhay pa pala at nagbabalik para tugisin muli si Cardo.
Siguro ay binuhay siyang muli para ipalit sa mga mawawalang karakter ng nasabing palabas. Sasabak kasi sa halalan ang ilan sa mga main role rito, tulad na lang ng mag-amang Mark at Lito Lapid at Edu Manzano.

May tsismis din kasing kumalat na nahihirapan daw si Coco na umisip ng paraan kung paano sila mawawala sa kuwento.

Samantala, sana raw ay mabigyan ng magandang role si Bobby Henson na dating artista at ka-look-a-like ng pumanaw na si Fernando Poe Jr., maging ang boses nito ay kaparehong-kapareho.

Maja at Zanjoe nagpakilig sa Baliwag, Bulacan

Pumunta sina Maja Salvador at Zanjoe Marudo sa event hall ng SM Baliwag para sa promo ng movie nilang To Love Some Buddy.

Dinumog ng fans ang dalawa habang kumakanta at nagpapakilig sa stage.

Si Maja ay dating girlfriend ni Gerald Anderson, habang si Zanjoe naman ay dating boyfriend ni Bea Alonzo.

Sina Bea at Gerald ngayon ay mag-on na uli

Maligayang Kaarawan!

Birthday greetings to November born stars: Coco Martin, Congressman Vilma Santos, Amanda Amores, Camille Victoria, Mr. Gabby Lopez ng ABS-CBN, Ms. Annette Gozon ng GMA, Tita Mids Syguion-Reyna.                       

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with