^

Pang Movies

Aktres na may pelikulang hindi masyadong pinapanood, namasyal sa mga sinehan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Bumisita ang isang aktres sa isa sa sinehan kung saan showing ng kanyang movie. Siyempre, sikat kaya naman nagkagulo ang mga tao sa presence niya, huh!

‘Yun nga lang, walang masyadong nanonood sa movie niya ayon sa aming nakausap, huh! To think na magaganda pa naman ang reviews nito at magaling ang direktor.

Feeling tuloy ng kausap namin, hindi feel ng manonood ang kaparehang aktor ng aktres, huh!

Alden lumebel sa mga paring nominado sa Catholic Mass Media

Napahanay si Alden Richards sa tatlong pari na nominado bilang Male Influencer of the Year sa 2018 Catholic Mass Media Awards. Ang co-nominees ni Alden na pari ay sina Fr. Joel Jason, Fr. Luciano Felloni, Fr. Jeffrey Segovia at isang Kirby Laban.

Of course, pagdating sa pagiging maka-Diyos ng bida ng Victor Magtanggol, hindi na ito puwedeng pagdudahan pa. Natuwa naman ang kanyang fans dahil swak sa kanya ang nominasyon para rin siyang pari, huh!

Carlo at Angelica nagpakaligaya sa Japan!

Kasama si Carlo Aquino sa biyahe nina Angelica Panganiban at Glaiza de Castro at mga kaibigang Khalil Ramos, Ryza Cenon, Pocholo Barretto at Ketchup Eusebio ayon sa lumabas na report.

Pero tanging si Glaiza ang naghatid ng birthday message kay Angelica sa Instagram na, “Maligayang kaarawan @angelicap. Nasabi ko na lahat ang mga ka cheesyhan. Gusto ko lang I post to kasi sakto sa birthday mo jan.”

Sa IG naman ni Carlo, isang video collage ang nakalagay at hindi namin masyado maaninag kung si Angelica ang girl na kasama niya, huh! Pero sa komento ng kaibigan nilang si IC Mendoza, sina Ange at Carlo ang couple na nasa video, at sa Japan ang location niya, huh!

Naku, wag nang pakawalan ni Angelica si Carlo dahil baka siya na ang tadhana niya kahit malayo ang dating ng aktor sa mga nakarelasyon niya!

vuukle comment

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with