^

Pang Movies

Alyssa nganga sa korona, Top 10 pa lang laglag na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alyssa nganga sa korona, Top 10 pa lang laglag na!
Alyssa Muhlach Alvarez

Luhaan ang manok nating si Alyssa Muhlach Alvarez sa katatapos na Reina Hispanoamericana 2018 na ginanap kahapon sa Salon Siriano Fexpocruz sa Bolivia.

Winner ang Miss Venezuela na si Nariman Cristinea Battikha. Personal na ipinasa ni Tere­sita Ssen “Winwyn” Marquez, 2017 Reina Hispanoamericana sa nanalo.

Laglag agad si Alyssa sa unang bahagi ng pa­geant dahil hindi siya nakasama sa Top 10.

Si Alyssa ay anak ng aktres na si Almira Muhlach at basketbolistang si Paul Alvarez. Pamangkin siya ni Aga Muhlach.

Talo man si Alyssa, may showbiz pa namang naghihintay sa kanya, huh! Saka huwag siyang mag-alala sa bashers dahil ang bet natin sa katatapos na Miss Earth 2018, si Celeste Cortesi, eh hindi rin pinalad na makuha ang korona at hanggang Top 8 lang siya.

Baguhang teen star hindi kilala ang mga kasama sa pino-promote na pelikula

Kaloka ang sagot ng isang baguhang teen star nang tanungin ng host ng TV show kung saan sila nag-guest kung sinu-sino pa ang kasama nila sa movie.

Parang hindi kabisado ng teen star ang ilan sa kasama sa pelikula kaya ang naging sagot niya, “Marami pang iba!”

Naku, bago isalang sa promotions o guesting sa TV ang mga baguhang artista, kabisaduhin nla ang co-stars nila huh! Mabuti sana kung may mga name na sila pero wala pa, huh!

Imagine, ilang araw rin silang nagsama-sama sa shooting, tapos, nakalimutan agad ang pangalan ng co-stars nila?  Nakakahiya naman sa producer na gumatos para gawan sila ng movie, huh!

Sosyal, milyun-milyon ang halaga, James luxury car ang birthday gift kay Nadine

Kumalat sa social media ang balitang isang luxury car ang birthday gift ni James Reid sa girlfriend na si Nadine Lustre. Pero wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa ang balitang ito.

May kumalat kasing video na nu’ng birthday ni Nadine last October 31, bumaba si James sa luxury car na ikinagulat ng young actress! Kumalat na sa social media ang tungkol sa milyones na halaga ng karu!

Eh kung may datung na si James, weno naman kung mamahalin sasakyan ang regalo niya kay Nads? Tutal naman, laging nandiyan sa tabi niya ang girlfriend simula noong hindi pa siya si James Reid, huh!

Kung suwerte si Nadine kay James, suwerte rin si James kay Nadine!

vuukle comment

ALYSSA MUHLACH ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with