^

Pang Movies

Alex nilayasan ang show kasama si Luis?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Alex nilayasan ang show kasama si Luis?!
Alex Gonzaga

Iiwan na nga kaya ni Alex Gonzaga ang game show na I Can See Your Voice tuwing Sabado at Linggo, hosted by Luis Manzano?

Kabilang kasi siya sa mga magi­ging host ng Pinoy Big Brother Otso kung saan makakasama niya sina Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros at ang kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Meron din siyang entry sa Metro Manila Film Festival 2018 na Mary, Marry Me kung saan ang leading man niya ay si Sam Milby, Plus with Toni again. Produced ito ng TEN17 Productions ni Paul Soriano, ang asawa ni Toni.

Sayang kung ganon, ang ganda pa naman ng batuhan nila ng mga linyang nakakatawa ni Wacky Kiray.

Magkasama ang dalawa sa Singvestigators kung saan kasaama rin nila sina Kean Cipriano, Andrew E., Angeline Quinto at Bayani Agbayani.

Derek may wish kina Carlo at Angelica

Aware pala si Derek Ramsay na may posibilidad na magkabalikan as sweethearts sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. If this happens daw, he will be happy, especially for Angelica.

Minsan kasing naging magkasintahan sina Angelica at Derek, pero hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung bakit sila naghiwalay.

Currently, may girlfriend si Derek named Joanne Villablanca.

Wala pa raw balak ang dalawa magpakasal.

Tungkol naman sa kanyang pagpirma ng kontrata with GMA-7, “nag-uusap” pa raw sila ng mga kinauukulan. Well, obviously referring sa executives ng Kapuso.

When Derek’s contract with TV5 expired, bumalik siya ng Star Cinema kung saan nag-appear siya sa pelikulang Kasal nila nina Bea Alonzo and Paolo Avelino.

Luneta Park mas naging memorable dahil kay Rico

Well Salve A., papaano nga ba natin makakalimutan ang sikat na Rizal Park o mas kilala ngayon bilang Luneta Park, lalo na kapag naririnig natin ang isa sa popular songs ni Rico J. Puno na Alaala na may linyang “namamasyal sa Luneta kahit walang pera.”

Ngayon kaya, marami pa rin ba ang namamasyal sa Luneta nang walang pera?

Imelda napanatili ang pagiging healthy

Sa totoo lang, Salve A., marami sa mga senior entertainment writers na aktibo pa rin naman sa pagsusulat tungkol sa showbiz ang na-touch nang maimbitahan sila ni Imelda Papin sa presscon nito para sa kanyang new endorsement, The Imuregen (for Immunity Plus Regeneration), produkto ng Forever Healthy Products.

Malaking tulong daw ang nagawa ng produkto sa kanyang kalusugan at sa pananatili niyang fresh and kalmado sa tuwina.

Kailangan kailangan niya raw these days ito, lalo na dahil she is running for Vice Governor ng Camarines Sur.

If God willing na manalo raw siyang muli, it will be her third time na magsilbing vice governor ng probinsiyang kanyang sinilangan at kung saan din siya lumaki.

Now nearly 40 years in the entertainment business, Imelda remains the local entertainment world’s Premiere Sentimental Songstars.

To date, marami sa kanyang mga pinakatanyag na awitin ang paborito pa rin, kahit ng millennials. Kabilang na ang Isang Linggong Pag-ibig.

Personal…

Happy birthday today sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, sina Atasha at Andres.

They are now both 17 years old.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with